Taguig pays tribute to its retiring and model employees
Outstanding and exemplary public service
The local government of Taguig paid tribute to its retiring government employees during the “Salamat, Paalam” program on December 19 at the Lakeshore Hall, C6 Lower Bicutan. On the same occasion, the City also launched the “Parangal sa mga Lingkod Bayan ng Taguig” program that recognizes its most outstanding employees.
Organized by the Human Resources Management Office, the event was held to extend the local government’s heartfelt gratitude and utmost appreciation to these employees for consistently providing excellent and reliable service to the Taguigeños.
“This day is doubly special as we are recognizing our outstanding employees and likewise honoring our retiring employees. By holding these two events together, we are demonstrating continuity in public service; one batch is leaving a lifetime of work while another is continuing it with passion and dedication,” said Taguig City Administrator Atty. Jose Luis G. Montales.
The 10 retiring employees, who were given tribute for dedicating their career to public service, include Imelda Geronimo, Erlinda Lumitao, Dr. Isaias Ramos, Noel Aquino, Carlos Goreyab, Florinda Salalima, Francisco Landrito, Ricardo Batobato, Celestino Roldan, and Rolando Estanislao.
Meanwhile, Wenifredo Agrigar from the City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Benjamin Cayanan from the Public Order and Safety Office (POSO), Arnel John Magracia from the Human Resources Management Office and Julita Bernabe from the City Health Office – Nutrition Office were cited for the 2016 “Parangal sa mga Lingkod Bayan ng Taguig” their outstanding service to the city and its people.
Mayor Lani Cayetano stressed how the city government will always be grateful to its personnel as they play an important part in the achievements the City of Taguig has obtained for the past years.
“To all our hardworking city employees, again, I am extending my heartfelt and never ending gratitude to all of you and I hope that the Lord will bless you a healthy and bountiful life. I also hope that Lord will continue to use you as an instrument to serve the public in any other ways,” the lady mayor added.
To honor their valuable contribution and hard work, the local government gave a plaque, cash incentives, and token of appreciation for the 10 retirees while the four (4) model employees of the year received cash incentives and a Certificate of Appreciation.
“On behalf of my fellow retirees for the year of 2016, we are very grateful to the local government of Taguig for recognizing all our hard work and honoring the importance of all the services that we have provided to the City of Taguig,” said Dr. Isaias Ramos, the outgoing Officer in charge for the City Health Office. He assured that their assistance to the public will continue even after they retire from their post.
Mayor Lani wished the retiring employees an exciting and bountiful life together with their families in the next chapter of their lives. “I hope that you will enjoy your time to go back and focus on your families whom in truth, we sometimes, set aside due to the demands of our work in the public service; I really hope that the next few months would be a great opportunity to spend time with them. It is your time to give back the lost time that was spent to your work and now focus on your families,” she added. ###
FILIPINO VERSION
Taguig kinilala ang mga nagretiro at mahuhusay na kawani ng lokal na pamahalaan
Nagbigay-pugay ang lokal na pamahalaaan ng Taguig sa mga magre-retirong empleyado nito noong December 19, 2016 sa Lakeshore Hall, C6 Lower Bicutan. Sa ilalim ng programang “Salamat, Paalam” kinilala ng pamahalaang lokal ang serbisyong ipinagkaloob nila sa lungsod ng Taguig. Kasabay nito, inilunsad din ang programang “Parangal sa mga Lingkod Bayan ng Taguig” na kumikilala sa pinakamahusay na mga kawani ng pamahalaang lokal.
Isinagawa ito upang ipaabot ang taos-pusong pasasalamat at lubos na pagpapahalaga sa maasahan at mahusay na serbisyo na kanilang ipinagkaloob sa mga Taguigeño.
“Doble ang pagka-espesyal ng araw na ito sapagkat sabay nating kinikilala ang mga mahuhusay nating empleyado at pinaparangalan ang mga mag-reretiro. Sa pamamagitan ng pagdaraos ng dalawang pagdiriwang na ito, ipinapakita natin ang pagpapatuloy ng serbisyong pampubliko; ang isang pangkat ay iiwan ang panghabambuhay na tungkulin at ang isa naman ay magpapatuloy nang may pagpapahalaga at dedikasyon,” wika ni Taguig City Administrator Atty. Jose Luis G. Montales.
Ang 10 magreretirong empleyado na binigyang pugay dahil sa kanilang dedikasyon sa pagseserbisyo ay sina Imelda Geronimo, Erlinda Lumitao, Dr. Isaias Ramos, Noel Aquino, Carlos Goreyab, Florinda Salalima, Francisco Landrito, Ricardo Batobato, Celestino Roldan, at Rolando Estanislao.
Samantala, si Wenifredo Agrigar ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), si Benjamin Cayanan ng Public Order and Safety Office (POSO), si Arnel John Magracia ng Human Resources Management Office at si Julita Bernabe ng City Health Office – Nutrition Office ay napili sa 2016 “Parangal sa mga Lingkod Bayan ng Taguig” dahil sa kanilang napakahusay na serbisyo sa lungsod.
Kaugnay nito, iginiit ni Mayor Lani Cayetano na napakahalaga at napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan para maisulong at mapa-unlad ang Taguig.
“Sa mga masisipag na empleyado ng ating lungsod, muli, ipinaaabot ko ang aking taos-puso at walang katapusang pasasalamat sa inyong lahat at nawa’y pagkalooban kayo ng Diyos ng malusog at masaganang pamumuhay. Nawa’y patuloy rin kayong gamitin ng Panginoon bilang instrumento upang magsilbi sa publiko,” dagdag pa ng punong lungsod.
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang kontribusyon at pagsisikap, ginawaran ng lokal na pamahalaan ng plaque, cash incentives, at token of appreciation ang 10 nagretirong empleyado samantalang nakatanggap naman ng cash incentives at Certificate of Appreciation ang apat (4) na pinakamahusay na empleyado sa taong 2016.
“Sa ngalan ng mga kapwa kong magre-retirong empleyado ngayong 2016, kami ay nagpapasalamat sa lokal na pamahalaan ng Taguig sa pagkilala sa lahat ng aming pagsisikap at sa pagbibigay-pugay sa kahalagahan ng lahat ng serbisyo na aming naibigay sa lungsod ng Taguig,” wika ni Dr. Isaias Ramos, ang aalis na officer-in-charge ng City Health Office. Tiniyak niya na magpapatuloy ang kanilang tulong sa publiko kahit na sila ay magretiro.
Hiniling ni Mayor Lani na magkaroon ang mga magre-retirong empleyado ng masaya at masaganang pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya sa mga susunod pang yugto ng kanilang buhay. “Nais ko po na sana ay sulitin ninyo ang inyong oras upang bumalik at mag-focus sa inyong mga pamilya, na sa totoo lang ay minsan nating naisa-santabi dahil sa tawag ng ating tungkulin; sana po ay maging oportunidad ang mga susunod na buwan upang makasama ninyo sila. Ito na ang panahon upang maibalik ang mga nawalang oras na inilaan sa trabaho, at ngayon upang makasama naman ang inyong mga pamilya,” dagdag pa niya. ###