Taguig promotes “4 o’clock habit” to curb dengue
As part of this year’s anti-dengue campaign, the Taguig City government through its Health Office has started promoting the practice of the “four o’clock habit”, a simultaneous clean-up drive and information dissemination in all of the city’s barangays, starting last month.
When the clock strikes 4 in the afternoon, local authorities and community leaders go around their respective barangays for information dissemination, through a public address, aiming to help bring down cases of dengue fever, which is expected to rise during the rainy season.
This habit is part of the city’s Dengue Awareness Campaign dubbed as “Synchronized Action Against Dengue: Kalinisan Panatilihin…Dengue Sugpuin”, along with vigorous clean-up and de-clogging operations to prevent the spread of dengue-carrying mosquitoes.
“Dengue prevention is of paramount importance and is sought by searching and eliminating breeding sites of mosquitoes,” Mayor Lani Cayetano said urging the general public to “have a collective responsibility in exercising vigilant measures against dengue.”
Aside from the public address, clean-up, and de-clogging of waterways, Rosalia Panganiban, Dengue Coordinator for Sanitation said they are also distributing insect repellant plants such as Oregano to drive away mosquitoes to select households.
Panganiban said the program likewise include lectures about plant propagation, proper solid waste management and other preventive measures to avoid dengue. They are also distributing anti-dengue kits in four barangays— Fort Bonifacio, Western Bicutan, Tuktukan, and Hagonoy.
Meanwhile, the City Environment and Natural Resources Office has also started conducting tree-trimming and grass-cutting.
“These activities are not just for a month because we are committed to do these operations all-year round in all of the city’s 28 barangays,” said Panganiban.
With this, Mayor Lani encourages all Taguigeños to participate in the activities and in the total prevention of dengue disease, saying that everyone should be responsible in seeing to it that there is no water stagnation around homes that may become possible breeding sites for mosquitoes.
“An individual alone cannot do this job, so I urge each and everyone to work together in maintaining cleanliness in our city,” the local executive said.###
Taguig nagsasagawa ng “4 o’clock habit” kontra dengue
Ipinatutupad ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng Health Office nito ang “four o’ clock habit”, isang kampanya para labanan ang sakit na dengue kung saan magkasabay na ginagawa ang paglilinis at ang pagpapakalat ng impormasyon sa lahat ng barangay na inumpisahan noon pang nagdaang buwan.
Pagtuntong ng ika-apat ng hapon, gamit ang public address system ay nag-iikot ang mga otoridad at ang mga lider ng komunidad sa kanilang nasasakupan para ipaalam ang iba’t ibang paraan kung paano makaiiwas sa dengue na inaasahang tataas ang bilang ngayong panahon ng tag-ulan.
Ang hakbangin ay bahagi ng Dengue Awareness Campaign na “Synchronized Action against Dengue: Kalinisan Panatilihin …Dengue Sugpuin”, kasama ang puspusang paglilinis at pagtatanggal ng bara sa mga daluyan ng tubig para maiwasan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
“Napakahalaga ng dengue prevention na nagagawa sa pamamagitan ng paghahanap at pagpuksa sa pinamumugaran ng mga lamok,” ayon kay Mayor Lani kasabay ang paghimok sa publiko na gawing responsibilidad ang paglaban sa sakit na dengue.”
Bukod sa pagpapakalat ng impormasyon, paglilinis at pagtatanggal ng bara sa mga daluyan ng tubig ay namamahagi rin sa mga piling kabahayan ng mga halaman tulad ng Oregano na may kakayahang magtaboy ng mga lamok, ayon kay Rosalia Panganiban, Dengue Coordinator for Sanitation.
Sinabi ni Panganiban na kasama sa kanilang programa ang pagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan ng pagpapadami ng halaman, tamang paraan ng pagtatapon ng basura at iba pang hakbangin para makaiwas sa dengue. Namamahagi rin aniya sila ng anti-dengue kits sa apat na barangay- Fort Bonifacio, Western Bicutan, Tuktukan, at Hagonoy.
Samantala, ang City Environment and Natural Resources Office ay sinimulan na ang pagpuputol ng sanga ng mga puno gayundin ang pagtatabas ng mga damo.
“Ang mga aktibidad na ito ay ipatutupad hindi lamang sa loob ng isang buwan dahil desidido kaming gawin ito sa loob ng isang taon sa lahat ng 28 barangay ng lungsod,” pahayag ni Panganiban.
Kaugnay nito, hinihimok ni Mayor Lani ang lahat ng Taguigeño na makiisa sa mga aktibidad at sa pagpapatupad ng mga paraan kung paano makaiiwas sa sakit na dengue. Ang lahat aniya ay may responsibilidad na tiyaking walang nakaimbak na tubig sa mga kabahayan na posibleng maging lugar ng mga lamok para magparami.
“Hindi ito kakayanin ng isang tao lamang kaya’t hinihikayat ko ang lahat na magtulungan sa paglilinis ng ating lungsod,” pahayag pa ng alkalde.###