Taguig promotes responsible pet ownership


Holds year-round free castration for all pets

 In order to maintain a clean and safe community, the Taguig City government has called on pet owners to take the responsibility of managing their pets especially those living in the city’s densely populated barangays.

 Mayor Lani Cayetano is encouraging Taguigeños who own pet animals to avail of the city government’s free neutering (kapon for male pets) and spaying (for female pets) procedures being initiated by the City Veterinary Office whole-year round.

 “Pet owners are not going to pay anything if they want to have their cats and dogs undergo spaying and neutering procedures. This is part of Taguig’s efforts to make our community clean and safe especially for our children,” Mayor Lani said.

 Pet owners from the different barangays can avail of the free pet services through the Taguig’s veterinary office, which will set up satellite clinics in various barangays in a scheduled day.

 Spaying and neutering are two types of castration procedure, which are effective ways to prevent the rapid repopulation of pets. Clinical results also show that pets that are spayed and neutered are more behaved and healthy than those that are not.

 “We encourage pet owners to make the wise decision of spaying and neutering their pets. Aside from being free, it is also beneficial to both people and their pets. This is a responsibility being given back by pet owners to the community by preventing increase of rabies cases caused by stray dogs and cats,” Mayor Lani said.

 City Veterinarian Dr. Alex Siblag said this type of procedure is done in five minutes. After the surgery, pets can recover within 30 minutes and totally healed in just a week or two.

 “This is one of the city’s initiatives on animal welfare and control, and is meant to mitigate the increase of rabies cases that pose a threat to people especially children,” Dr. Siblag added.

 For the month of May, the City Veterinary Office will be conducting spaying and neutering program at Barangay Calzada Covered Court on May 7 and at Katwiran Covered Court in Barangay Ibayo-Tipas on May 21.

 Since January 2015, the city has also been involved in a systematic free anti-rabies vaccination campaign for pets, which toured the 28 barangays of the city.

 More than 5,000 household pets were vaccinated as of March 2015.

 The anti-rabies program had been intensified since the summer break when school vacation started and children tend to go out and play more, exposing themselves at risks of being bitten by dogs or even cats. ###

 [su_divider top=”no”][su_divider][/su_divider]

 

FILIPINO VERSION:

 

Taguig isinulong ang responsableng pag-aalaga ng hayop

Pagkapon, libre sa Taguig

 Upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng komunidad, nanawagan ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa mga nagmamay-ari ng hayop na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang aso o pusa lalo na sa mga naninirahan sa ma-taong barangay.

 Hinihikayat ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang mga Taguigeño na may alagang mga  ng aso o pusa na tangkilikin ang libreng kapon sa mga lalaki at babaeng hayop bilang serbisyo publiko na ibinibigay ng Taguig City Veterinary Office sa buong taon.

 “Ang mga pet owner sa Taguig ay wala pong dapat na bayaran kung nais nilang ipa-kapon ang kanilang aso o pusa. Isa po itong libreng serbisyo ng pamahalaang lokal sa mga Taguigeño para mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kaligtasan ng ating mga komunidad,” saad pa ni Mayor Lani.

 Kailangan lamang ng mga pet owner sa iba’t-ibang barangay na alamin ang takdang araw kung kailan isasagawa ng Taguig Veterinary Office ang libreng serbisyo sa mga hayop.

 Ang kapon  ay isa  lamang sa mga mabisang paraan upang maiwasan ang hindi inaasahang pagdami ng mga asong kalye at pusang kalye at maibaba ang bilang ng kaso ng rabis sa mga taong maaaring makagat ng mga ito. Maiiwasan din nito ang pagkalat ng dumi ng hayop sa lansangan na makapagbibigay ng sakit bukod pa sa masamang amoy nito.

 Ayon sa pagsusuri, ang aso o pusa na kinapon ay mas malusog at mas maamo kaysa sa mga hindi sumailalim  sa ganitong klaseng operasyon.

 “Kaya po hinihikayat namin ang mamamayan na maging responsable sa pag-aalaga ng hayop at tangkilikin ang ating programa dahil makabubuti ito hindi lamang sa mga alagang hayop kundi maging sa mga taong nakapaligid sa atin,” wika pa ni Mayor Lani.

 Ayon naman kay City Veterinarian Dr. Alex Siblag, ang kapon ay kadalasang naisasagawa sa ilalim ng limang minuto lamang. Ang hayop ay makakabangon na pagkatapos ng 30 minuto at sa loob naman ng isa hanggang dalawang linggo ay hilom na ang sugat nito.

 “Isa ito sa mga inisyatibo ng pamahalaang lungsod ng Taguig para sa kapakanan ng mga hayop at sa mga nag-aalaga nito upang maiwasan ang banta ng pagtaas ng kaso ng rabis sa Taguig,” ayon pa kay Dr. Siblag.

 Sa buwan ng Mayo, ang City Veterinary Office ay magbibigay ng serbisyo sa Barangay Calzada Covered Court sa Mayo 7, at sa Katwiran Covered Court sa Barangay Ibayo-Tipas naman sa Mayo 21.

 Simula pa noong Enero ng taong ito, ang Taguig ay namigay na rin ng libreng bakuna sa mga hayop sa 28 barangay upang palakasin pa ang kampanya laban sa rabis. Mahigit na sa 5,000 aso at pusa na ang nabigyan ng bakuna, ayon sa talaang inilabas ng lokal na pamahalaan noong  Marso 2015. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854