Taguig provides eye care for 30,000 senior citizens
Free eye check-up and prescription eyeglasses
“Free eye check-up and free prescription eyeglasses,” these are the benefits the elderly of Taguig City has been getting since the implementation of Oplan Linaw 2016- a program that aims to address vision problems of senior citizens in the 28 barangays of the city.
Mayor Lani Cayetano said, “Oplan Linaw 2016” is an intervention by the city government to address one of the problems associated with old age.
“We know the problem and we are doing something about it. Vision problems can affect the quality of life of an individual, more so with the elderly. We are more than happy to provide our senior citizens with prescription glasses that they need to enjoy the simple pleasures of life.”
The program for the elderly started this year but Oplan Linaw started last year with 20,400 public school students of Taguig as beneficiaries.
Dr. Isaias Ramos, chief of Taguig City Health Office said that the process is simple: after the free eye checkup, they will just wait for three to four weeks before getting their prescription glasses.
The beneficiaries are identified through the database of Taguig City’s Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Ramonita Jordan, OSCA officer-in-charge said her office has been receiving positive comments on the city government’s Oplan Linaw.
“Everybody is grateful. The program is just exceptional in terms of magnitude and impact on the lives of senior citizens,” Jordan said.
Taguig City government makes sure that senior citizens have access to different programs of the city intended for their well-being.
The city offers senior citizens free maintenance medicines for diabetes; high blood; asthma; and even home care nursing services.
###
FILIPINO VERSION:
Libreng eye check-up at salamin sa mata
Taguig eye care program pinakinabangan ng 30,000 senior citizens
“Libreng eye check-up at libreng prescription eyeglasses,” ito ang mga benepisyong tinatanggap ng mga senior citizen ng Taguig sapul ipatupad ang Oplan Linaw 2016- isang programang tumutugon sa problema sa paningin ng mga nakatatanda ng 28 barangay ng lungsod.
Sinabi ni Mayor Lani Cayetano na ang “Oplan Linaw” ay ang katugunan ng pamahalaang lungsod sa isa sa mga problema ng mga senior citizen.
“Batid namin ang problema at mayroon kaming ginagawa para ito tugunan. Ang problema sa paningin ay problema ng sinuman lalo na ng mga nakatatanda. Lubos ang aming kasiyahan na mabigyan ng mga salamin sa mata ang mga senior citizen na kanilang kailangan para i-enjoy ang mga simpleng kaligayan .”
Nagsimula ang programang ito para sa mga senior citizen ngayong taon subalit ang Oplan Linaw ay unang naipatupad noong nagdaang taon kung saan ang unang mga nakinabang ay ang 20,400 na mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa Taguig.
Sinabi ni Dr. Isaias Ramos, hepe ng Taguig City Health Office na simple lamang ang proseso: pagkatapos ng libreng eye check-up, maghihintay lamang sila ng tatlo hanggang apat na linggo para makuha ang kanilang mga salamin sa mata.
Natukoy ang mga beneficiary sa pamamagitan ng database ng Office of the Senior Citizens Affairs Office (OSCA).
Ayon kay Ramonita Jordan, officer-in-charge ng OSCA, marami silang natatanggap na positibong komento tungkol sa programang Oplan Linaw.
“Ang lahat ay nagpapasalamat. Natatangi ang programa dahil sa lawak at epekto nito sa mga senior citizen,”sabi pa ni Jordan.
Tinitiyak ng Taguig City government na ang lahat ng senior citizen ay may access sa iba’t ibang programa na nakalaan para sa kanilang kapakanan.
Ang mga senior citizen sa Taguig ay patuloy na tumatanggap ng libreng maintenance medicine para sa diabetes; alta presyon; hika; at home care nursing services.
###