Taguig public schools win gold in int’l science tilt
Invention and innovation
Science teams representing three Taguig City public schools bagged medals for inventing low-cost and eco-friendly products from recycled materials in the 2016 Kaohsiung International Invention and Design Expo in Kaohsiung, Taiwan last December 9 to 12.
The teams composed of Grade 5 students Jaisa Julene L. Mataac, Kenth Andrew F. Gallardo and Ken B. Benavente from Taguig Integrated School and Grade 10 students Jerome A. Sombilon and Anna Beatriz A. Suavengco from Taguig Science High School both won gold medals in the said competition. The team of Ruth Paula P. Buhion, Ma. Erin Daphne D. Raton, Adrian Klein T. Comia and Kevin Brian C. Orge from Sen. Renato Compañero Cayetano Memorial Science and Technology High School (SRCCMSTHS) won a silver medal.
The three teams participated as part of the Science Training Program for Taguig public schools. The international event organized by the World Invention Intellectual Property Associations (WIIPA) included an invention competition where participants from more than 20 countries with more than 500 entries joined the contest.
Under the Life Science Category, the Taguig Integrated School presented an antibacterial and antifungal bath soap made from PLC (Papaya, Lemon and Coconut Oil) while a correction fluid which uses egg whites as raw material called “Alburase” was invented by the SRCCMSTHS to compete for the category of Office Product. In the Biotechnology category, Taguig Science High School proposed the “Remediation of Heavy Metal Ions in Synthetic Contaminated Effluent by Calcium Carbonate found in Asiatic Clams or Tulya Clams.”
With the help of their research advisers, the students’ inventions started from their observations within their community – like how to cure different skin and respiratory ailments, finding use for the unused egg whites from leche flan or recycling tulya shells. They have been developing their research for one to two years now.
According to the students, the series of trials, tests and experimentations to perfect their products were among the struggles they experienced while preparing for this competition.
With hopes of enriching their ideas and incorporating new innovations to their researches, the winning students continue to express their interest in and remain enthusiastic about joining other international science competitions in the future, citing that these events are great opportunities to build confidence, share ideas, and come up with innovations.
Taguig Integrated School’s Principal Dr. Joselito Mataac said they already have pending invitations from other countries for similar competitions. “We have Hong Kong in January; Japan in July and Canada in August,” Dr. Mataac added.
“This international competition showcases the exceptional skills of our students and their interest to expand their capabilities in the field of Science. This success is a concrete testament of the improved quality education in the public school system of our city,” Taguig City Mayor Lani Cayetano said.
The Cayetano Administration has been all-out in supporting the education sector. The City of Taguig has been pioneering programs like the Cyber Laboratory, an advance computer curriculum for public school students in elementary and high school. Its programs have yielded tangible results.
The Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Scholarship Program offers free schooling and other educational assistance to students and their families. Public school students also enjoy free school uniforms and school supplies, grab bags or emergency kits for disasters, air-conditioned classrooms and even free prescription glasses. Because of this superb support for education, Taguig City ranked No. 1 in the National Capital Region’s National Achievement Test (NAT) for elementary and high school for two consecutive years.
Last month, groups of public school students from Taguig City won several gold, silver and bronze medals in international mathematics competitions held in Thailand, Singapore and India as part of the intensive mathematics training program for public schools. ###
FILIPINO VERSION
Gold at silver medals, sinungkit
Taguig public schools, wagi sa 2016 Kaohsiung International Invention and Design Expo
Nag-uwi ng mga medalya ang mga mag-aaral ng tatlong pampublikong paaralan sa lungsod ng Taguig mula sa 2016 Kaohsiung International Invention and Design Expo na ginanap sa Kaohsiung, Taiwan noong ika-9 hanggang ika-12 ng Disyembre dahil sa kanilang praktikal at makakalikasang imbensyon.
Ang mga ipinadala sa nasabing kompetisyon ay binubuo ng tatlong grupo ng mga estudyante mula Taguig Integrated School, Taguig Science High School, at Sen. Renato Compañero Cayetano Memorial Science and Technology High School (SRCCMSTHS).
Ang mga grade 5 student ng Taguig Integrated School na sina Jaisa Julene L. Mataac, Kenth Andrew F. Gallardo at Ken B. Benavente at ng dalawa pang grade 10 student ng Taguig Science High School na sina Jerome A. Sombilon at Anna Beatriz A. Suavengco ay matagumpay na nakamit ang gintong medalya. Samantalang nakakuha naman ng silver na medalya ang apat na grade 10 student ng Sen. Renato Compañero Cayetano Memorial Science and Technology High School (SRCCMSTHS).
Ang pagsali sa naturang kompetisyon ng mga mag-aaral ay bahagi ng Science Training Program ng Taguig para sa kanilang mga pampublikong paaralan. Ang kompetisyon ay inorganisa ng World Invention Intellectual Property Associations (WIIPA) na nilahukan ng mahigit 500 koponan mula sa mahigit 20 na bansa.
Sa ilalim ng Life category, inilahok ng Taguig Integrated School ang kanilang antibacterial at antifungal bath soap na gawa sa PLC (Papaya, Lemon, Coconut Oil) samantala, sa kategorya ng Office Product ay isinali ng SRCCMSTHS ang correction fluid na gawa mula sa puti ng itlog na tinawag nilang “Alburase”. Inilahok naman ng Taguig Science High School ang kanilang pag-aaral na “Remediation of Heavy Metal Ions in Synthetic Contaminated Effluent by Calcium Carbonate found in Asiatic Clams or Tulya Clams” sa kategorya ng Biotechnology.
Sa tulong ng kanilang mga research adviser, ang mga imbensyon ng mag-aaral ay nagsimula sa pamamagitan ng obserbasyon sa kanilang paligid – kung paano malulunasan ang sakit sa balat at paghinga, paghahanap ng gamit ng mga puti ng itlog galing sa leche flan o ang paggamit sa mga tulya shell. Inabot ng hanggang dalawang taon ang ginawang pananaliksik at pag-aaral ng mga estudyante para mapabuti ang kanilang imbensyon.
Ayon sa mga estudyante, dumaan muna sa maraming pagsubok, pagsasaliksik, pag-aaral, at eksperimento ang kanilang mga produkto.
Sa layuning ibayo pang mapabuti ang kanilang ideya at maisama ang mga inobasyon sa kanilang pananaliksik ay nagpakita ng interes ang mga nagwaging mag-aaral sa pagsali sa iba pang internasyonal na kompetisyon sa hinaharap. Naniniwala ang mga mag-aaral na ang mga kompetisyong tulad nito ay malaking oportunidad upang magkaroon ng tiwala sa sarili, magbahagi ng mga ideya, at tumuklas ng iba pang mga inobasyon.
Kaugnay nito, isinaad ni Dr. Joselito Mataac, punong guro ng Taguig Integrated School na marami na silang natatanggap na imbitasyon para sa susunod na taon para sumali sa mga kompetisyon sa iba’t ibang bansa.
“Mayroon na tayong natanggap mula Hong Kong sa Enero, Japan naman sa Hulyo, at sa buwan ng Agosto ay naimbitahan din tayo sa Canada,” dagdag pa nito.
“Naipapakita ng internasyonal na kompetisyon gaya nito ang kakaibang galing at talento ng ating mga mag-aaral pati na rin ang kanilang interes na mapalawak ang kanilang kakayahan sa larangan ng agham. Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating mas pinagandang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan sa ating lungsod,” wika ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Kaugnay nito, prayoridad at maigting din ang suportang ibinibigay ng administrasyong Cayetano sa sektor ng edukasyon. Sa katunayan ay kilala ang Taguig sa mahuhusay at de-kalidad na mga programang pang-edukasyon gaya ng advance computer curriculum para sa mga pampublikong paaralan na tinawag nilang Cyber Laboratory na sa kasalukuyan ay nakakakuha ng mga magaganda at positibong resulta.
Ang Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program naman ay nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na makapag-aral nang libre sa mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ay nabibigyan din ng mga libreng uniporme at kagamitan sa paaralan, mga emergency kit para sa sakuna, air-conditioned classrooms, pati na rin ang libreng prescription glasses. Dahil sa napakahusay na suporta sa edukasyon, nanguna ang lungsod ng Taguig sa National Capital Region’s National Achievement Test (NAT) sa elementarya at sekondarya sa dalawang magkasunod na taon.
Noong nakaraang buwan lamang ay nagkamit ng mga gold, silver at bronze medal ang grupo ng mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan ng Taguig dahil sa kanilang paglahok sa mga international mathematics competition na ginanap sa Thailand, Singapore at India na siyang bahagi ng intensive mathematics training program ng lokal na pamahalaan para sa mga pampublikong paaralan. ###