Taguig reclaims public roads used for private ends
90 percent compliant
On the President’s order to “reclaim public roads which are being used for private ends,” Taguig City is 90 percent compliant.
Taguig City Mayor Lino Cayetano said the accomplishment comes halfway into the 60-day deadline imposed by the Department of the Interior and Local Government for all roads in each city to be cleared.
The imposition of the deadline was in light of President Rodrigo Duterte’s recent State of the Nation Address, where he emphasized that all roads being used for private ends be reclaimed.
In Taguig, we have made sure that all roads are being used, accessed and and fully utilized by the public.
The Taguig City government has already been conducting clearing operations since 2010.
This reminder and directive of the President, however, inspired the Taguig government to pass an executive order focusing on long term improved mobility in the city. The EO’s simple yet comprehensive goal is to make mobility in the city for pedestrians and vehicles safer and faster in the City of Taguig.
“We just intensified our clearing operations and we are continuing to work with the community so we can move to the next phase of our mobility operation,” Mayor Lino noted.
The city government acknowledges that to sustain the cleared roads and making it a normal, there is also a need to improve policy, transform the culture of people and to create supporting infrastructure.
The existing Taguig Vehicle Pedestrian and Mobility Plan has been improved to include Taguig Mayor Lino Cayetano’s ten-point agenda that emphasizes the need for a safe city.
Apart from the daily clearing operations then, the local government has opened Mabuhay Lanes, studying opening select villages to vehicles during rush hours, and studying designated PUV loading and unloading stops, among others.
To transform culture, seminars on traffic rules and regulations, driver etiquette, green driving; information drives on pedestrian walking, green walking; and the intensified presence of enforcers who will sanction errant motorists and pedestrians, among others, will continue to be done, while the installation of traffic lights, the integration of parking spaces in the construction of buildings, among others, will be intensified.
“The goal is for residents and visitors to go to their destinations in Taguig faster and safer, not just for a specific short period of time, but for a long time,” Mayor Lino added.
FILIPINO VERSION
90 porsyento ang tapos na
Taguig nabawi na ang mga pampublikong kalsada na ginagamit sa pribadong interes
Sa utos ng Pangulo na “reclaim public roads which are being used for private ends,” 90 porsyento na ang naisasagawa ng lungsod ng Taguig.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na ang nasabing accomplishment ay naisagawa na sa kalahati pa lamang ng 60-day deadline na inilabas ng Department of the Interior and Local Government upang linisin ang lahat ng kalsada sa bawat lungsod
Ang pagpapataw ng deadline ay alinsunod sa kamakailang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan binigyang-diin niya na muling mabawi ang lahat ng kalsada na ginagamit para sa pribadong interes.
Sa Taguig, siniguro namin na ang lahat ng mga daanan ay nagagamit ng publiko.
Noong 2010 pa nagsimulang magsagawa ng clearing operations ang pamahalaang lungsod ng Taguig.
Ang pagpapaalala at direktibong ito ng Pangulo, gayunpaman, ay nagbigay inspirasyon sa lokal na pamahalaan ng Taguig upang magpasa ng executive order na nakapokus sa long-term mobility ng lungsod. Ang simple ngunit komprehensibong layunin ng EO ay gawing mabilis at ligtas ang mga daraanan ng mga pedestrian sa lungsod ng Taguig.
“We just intensified our clearing operations and we are continuing to work with the community so we can move to the next phase of our mobility operation,” wika ni Mayor Lino.
Kinilala rin ng lokal na pamahalaan na upang mapanatili at maging normal na ang kalinisan ng mga kalsada ay kinakailangan na mas isaayos ang mga polisiya, baguhin ang kultura ng mga residente at magsagawa ng mga imprastraktura na makatutulong dito.
Ang umiiral na Taguig Vehicle Pedestrian at Mobility Plan ay mas sinaayos at ibinatay na rin sa ten-point agenda ni Mayor Lino Cayetano na nagbibigay diin sa pangangailan ng safe city para sa bawat mamamayan.
Maliban sa araw-araw na mga cleaning operations, binuksan na ng local na pamahalaan ang Mabuhay Lanes, pinagaaralan na rin ang pagbubukas ng mga daanan para sa mga sasakyan sa ilang baranggay lalo na sa oras na mabigat ang trapiko, at maging ang mga itinalagang babaan at sakayan ng mga dyip ay kanilang isinusuri na.
Upang mabago ang mga nakasanayan, patuloy na isinasagawa ang mga seminar ukol sa batas trapiko at regulasyon, driver etiquette, green driving, information drives ukol sa pedestrian walking, green walking, at maging presensya ng mga enforcers sa daan na magbibigay ng karampatang parusa sa mga motorista at pedestrian na hindi sumusunod sa batas ay mas paiigtingin, samantalang ang paglalagay ng mga traffic lights, pagdadagdag ng mga parking spaces sa mga itinatayong building ay pagiibayuhin na rin.
“The goal is for residents and visitors to go to their destinations in Taguig faster and safer, not just for a specific short period of time, but for a long time,” dagdag ni Mayor Lino. ###