Taguig relaunches English scholarship program
Aware of the importance of proficiency in the English language for global competitiveness, Taguig City has re-launched its partnership with the US government for the English Access Microscholarship Program.
The re-launched program, started three (3) years ago, selected 50 students within the 14-18 age group who are “economically disadvantaged but academically inclined.” The program offers 360 hours of after-school classes and intensive sessions for two (2) years, and aims to improve the English language skills of the participants in order to enhance their academic and employment prospects.
During the re-launching last January 23 at the Taguig National High School, Mayor Lani Cayetano said she is honored and grateful that the English Access Microscholarship Program of the United States of America has found Taguig as one of its beneficiaries. “Education is a fundamental right and it has been, and continuous to be, a primary advocacy of my administration. Through this program, our students gain self-confidence and find a new sense of self-worth and respect that propel them to achieve more and in the process to embrace a more holistic development,” the mayor added.
US Ambassador to the Philippines Sung Kim, the first US envoy to the country of Asian lineage who also graced the event, extended his warm congratulations to the new 50 scholars and explained that the program is more than just learning the English language. “There’s also learning about the culture and values of America and I think, as US ambassador, I’m discovering that the heart of our relationship is the very strong bond between Americans and Filipinos and all of you will be helping to promote those deep ties between the people of two countries,” the U.S. ambassador added.
The program’s 50 beneficiaries each received Certificates of Award and a Merriam-Webster pocket dictionary.
The program was first launched in Taguig City in May 2014. The 50 new scholars are now officially among the 416 current program beneficiaries throughout the Philippines. ###
FILIPINO VERSION
Taguig at Estados Unidos inilunsad muli ang English scholarship program
Batid ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Ingles para sa global competitiveness, binuhay ng Taguig ang pakikipagtulungan nito sa Estados Unidos para sa English Access Microscholarship Program na hahasa sa kakayahan ng isang indibidwal sa paggamit ng wikang Ingles.
Namili ang programa, na nagsimula tatlong taon na ang nakalilipas, ng mga mag-aaral na may edad 14 hanggang 18 taong gulang na sa kabila ng kahirapan ay nagpakita ng kahusayan at determinasyon sa kanilang pag-aaral. Ang programa ay magkakaloob ng 360 oras na after-school classes at intensive sessions sa loob ng dalawang taon, at naglalayon na mas mapahusay ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Ingles para na rin sa ikabubuti ng kanilang kinabukasan.
Ipinahayag ni Mayor Lani Cayetano ang kanyang kagalakan sa pagpili ng Estados Unidos sa Taguig bilang isa sa mga benepisyaryo ng English Access Microscholarship Program nang muli itong inilunsad noong ika-23 ng Enero sa Taguig National High School. “Isang napakahalagang karapatan ng isang indibidwal ang edukasyon at ito ay isa sa mga pangunahing adbokasiya ng aking administrasyon. Sa pamamagitan ng programang ito, ay nagkakaroon ng lakas ng loob, pagpapahalaga sa sarili, at respeto ang mga mag-aaral na magtutulak sa kanila upang makamtan ang iba pang mga parangal na magdudulot sa kanila ng pag-unlad,” dagdag pa ng punong lungsod.
Si US Ambassador to the Philippines Sung Kim ay nagpahayag din ng mainit na pagbati sa bagong 50 na iskolar ng programa at ipinaliwanag na hindi lamang yaon tungkol sa pagkatuto ng wikang Ingles. “Mayroon ding pag-aaral tungkol sa kultura at kaugalian ng Amerika, at sa tingin ko bilang embahador ng Estados Unidos, natuklasan ko na ang puso ng ating relasyon ay ang matibay na ugnayan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino, at lahat kayo ay makatutulong sa pagtataguyod ng malalim na ugnayang ito ,” dagdag pa nito.
Ang 50 benepisyaryo ng programa ay nakatanggap ng Certificates of Award at ng Merriam-Webster pocket dictionary.
Unang nailunsad ang programa sa Taguig noong Mayo 2014. Ang bagong 50 na iskolar mula Taguig ay kabilang na sa opisyal na hanay ng 416 na benepisyaryo sa Pilipinas. ###