Taguig residents to continue receiving benefits, services beyond Mayor Cayetano’s term
Taguig City Mayor Laarni “Lani” Cayetano assured her constituents of the continuation of scholarships and social services for the children of Taguig beyond her term of office.
In her State of the City Children’s Address (SOCCA) on November 15, Mayor Lani said Taguig students will continue to enjoy the benefits granted under the city’s programs.
“I would like to guarantee that the support the Taguigeños have received for the last six years of my administration will not lessen, but rather will get even better within the remainder of my term. Despite that this is my administration’s last term, there is nothing to worry about because I will make sure that all educational programs like the LANI scholarship program will continue for the benefit of our children,” Mayor Cayetano said.
Under the Cayetano administration, the Lifeline Assistance for Neighbors In-need Scholarship Program or LANI Scholarship Program, was established with an initial budget of P100 million. This year, P625 million was allocated for the scholarship program. As of 2015, a total of 23,304 Taguigeños, including law and medical students, have benefited from the program.
In her speech, Mayor Cayetano also addressed the issue of cyber sex or child pornography in the city. “Child pornography has no place here in Taguig!” stressed by Mayor Lani. Recently, police authorities rescued three (3) child victims and arrested five (5) suspects for child trafficking offense. The mayor reiterated her appeal for local communities to assist authorities by being vigilant and to report suspicious activities.
Mayor Lani further expressed grave concern at the increasing rate of teenage pregnancy and drug experimentation among the youth. She urged both parents and schools to strengthen their guidance and values formation to teenagers.
The lady mayor then cited her administration’s accomplishments in areas concerning children and the youth.
For the third straight year, Taguig was given the prestigious Green Banner Award by the Department of Health for the consistent decrease of malnutrition prevalence rate within the city. Last year, Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) received the Mother-Baby Friendly Hospital citation. The city has a 24/7 Super Health Centers which provide 24/7 medical services.
“Under my administration, Taguig will continue to work hard on raising a community that will take care and guide the citizens’ growth,” Mayor Cayetano said in ending her speech. ###
FILIPINO VERSION:
Kahit matapos ang termino ni Mayor Lani
Tuluy-tuloy na benepisyo at serbisyo magpapatuloy sa Taguig
Tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa kanyang mga nasasakupan na patuloy nilang matatanggap ang scholarships at serbisyong pampubliko para sa mga kabataan kahit pa matapos ang kanyang termino.
Sa kanyang State of the City Children’s Address noong ika-15 ng Nobyembre, sinabi ni Mayor Lani na patuloy na matatanggap ng mga mag-aaral ng Taguig ang mga benepisyong ipinagkakaloob sa ilalim ng mga programa ng lungsod.
“Ginagarantiya ko po sa aking mga nasasakupan na ang suportang natatanggap ninyo sa nakalipas na anim na taon ng aking panunungkulan ay hindi mababawasan bagkus ay lalo pa itong pagbubutihin sa nalalabing panahon ng aking pamumuno. Wala po tayong dapat ipangamba dahil kahit nasa huling termino na po ang aking administrasyon, ay sisiguraduhin ko na ang mga programang pang-edukasyon tulad ng LANI scholarship program ay magpapatuloy,” saad ni Mayor Lani.
Sa ilalim ng administrasyong Cayetano, ang Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Scholarship Program o LANI Scholarship Program, ay inilunsad na may paunang pondo na nagkakahalaga ng 100 milyong piso. Ngayong taon, 625 milyong piso ang nailaan para sa nasabing programa. Noong taong 2015, may kabuuan na 23,304 na Taguigeños, kabilang ang mga mag-aaral ng abogasya at medisina, ang natulungan na ng programa.
Sa kanyang naging talumpati, tinalakay din ni Mayor Cayetano ang isyu ng cyber sex o child pornography. Binigyang-diin niya na “walang lugar ang child pornography sa Taguig”. Kamakailan lamang, nasagip ng pulisya ang tatlong batang biktima ng child pornography at nahuli ang limang suspek ng child trafficking. Muling nanawagan ang punong lungsod sa lokal na komunidad na tulungan ang awtoridad na maging mapagmatyag at isuplong ang mga kahina-hinalang mga aktibidad.
Nagpahayag din ng pangamba si Mayor Lani tungkol sa pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis at pagkalulong sa droga ng mga kabataan. Hinimok niya ang mga magulang at mga opisyal ng paaralan na palakasin ang kanilang pag-gabay at pagtuturo ng kabutihang asal sa mga kabataan.
Inisa-isa rin ni Mayor Lani ang mga programang para sa mga kabataan na matagumpay na naisakatuparan ng kanyang administrasyon.
Sa magkakasunod na tatlong taon, ginawaran ng Department of Health (DOH) ang Taguig ng prestihiyosong Green Banner Award dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng malnutrisyon sa buong lungsod. Noong nakaraang taon ay iginawad sa Taguig Pateros District Hospital (TPDH) ang titulong Mother-Baby Friendly Hospital. Mayroon ding mga 24/7 Super Health Centers ang lungsod na nagkakaloob ng mga serbisyong medikal sa publiko.
“Sa ilalim po ng aking administrasyon, patuloy po nating pagsumikapan na makabuo ng isang komunidad na magtataguyod at mangangalaga sa ikauunlad ng ating mga kababayan,” wika ni Mayor Lani sa pagtatapos ng kanyang talumpati. ###