Taguig sets the stage for the NSPC journalism competition
About 5,000 campus journalists and their advisers from all over the country are set to convene in Taguig City for this year’s holding of the prestigious National School Press Conference (NSCP) journalism competition.
This developed as the city government of Taguig opens it door to be the home for the attendees of the NSPC event that promotes the theme “Empowering Resilient Communities through Campus Journalism.”
Taguig City Mayor Lani Cayetano said the host region for 2015 is the National Capital Region and the host schools division will be the Division of Taguig City- Pateros for the five-day event starting April 6 to 10.
The conference shall include activities like individual news writing contests, scriptwriting and radio broadcasting contests, collaborative publishing contest, workshops for noncontestants and school paper advisers, and a nationwide photojournalism contest.
On April 6, delegates will be welcomed at the Philippine Army Parade Ground for the opening program to be followed by a welcome dinner hosted by Mayor Lani at the Enderun Colleges.
Well-respected personalities in the media industry are scheduled to participate in the opening and the closing ceremony.
Instead of hotels, the Taguig government chose the city’s “cool schools” as the home of the delegates during the course of the competition dates.
Taguig has built “cool schools” complete with air conditioning and generator units, which are the ideal place to stay for the delegates.
“We have already prepared the billeting areas for the participants and we are committed to making their stay in Taguig as comfortable and enjoyable as possible. With our air-conditioned classrooms, we are confident that we can provide a comfortable place for the delegates,” said Mayor Lani.
“The city government gives its full commitment for the holding of the conference. We will be mobilizing our city departments to assure safety and quality logistics for the week-long event,” she added.
Mayor Lani said the city commits round-the-clock police visibility during the five-day event. She noted that rescue and safety measures are also in place especially during the opening and closing ceremonies.
The NSCP is considered the most prestigious competition conducted by the Department of Education, participated in by campus journalists from both public and private elementary and secondary schools in the country.
The conduct of this conference is pursuant to the Republic Act No. 7079, otherwise known as the Campus Journalism Act of 1991.
It aims to demonstrate understanding of the importance of journalism by expressing it through different journalistic endeavors and sustain advocacy on social consciousness.
The city government of Taguig has been investing largely to improve the education system in the city. Last year, the Dep-Ed Taguig and Pateros emerged as top among school divisions in the Dep-Ed National Capital Region Cluster 1 (Big Division) in the 2014 National Achievement Test or NAT.
This year, the city’s graduates grow to almost 20,000. Education in Taguig public school system is absolutely free. Students are provided with uniforms, bags, and school supplies. When the students graduate high school, they can apply for different scholarships that the city government provides. They can also enroll for free at Taguig City University, which has been topping the licensure examinations for B.S. Criminology and B.S. Education. ###
[su_divider top=”no”][su_divider][/su_divider]
FILIPINO VERSION:
Taguig naghahanda na sa hosting ng nationwide journalism competition
Nasa 5,000 mga campus journalist at kanilang mga adviser mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang magtitipun-tipon sa Taguig City para sa prestihiyosong National School Press Conference (NSCP) journalism competition.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang host region ngayon ay ang National Capital Region at ang host schools division naman ay ang Taguig-Pateros para sa 5-day event mula April 06 hanggang 10 kaya’t ang lungsod ang magsisilbing pansamantalang tahanan ng mga kalahok sa kompetisyon na may temang “Empowering Resilient Communities through Campus Journalism”.
Magpapahusayan ang mga kalahok sa individual news writing contest, scriptwriting at radio broadcasting, collaborative publishing contest, magkakaroon din ng workshop para sa mga hindi contestant at mga school paper adviser, at ang nationwide photojournalism contest.
Nakatakdang lumahok sa opening at closing ceremony ang ilang respetadong media personality sa bansa.
Sa April 6, sasalubungin ang mga delegado sa Philippine Army Parade Ground para sa pormal na pagbubukas ng programa na susundan ng welcome dinner ni Mayor Lani para sa mga delegado.
Sa halip na sa mga hotel, tutuloy ang mga delegado sa tinaguriang “cool schools” ng Taguig.
Tinawag na cool schools ang mga eskwelahang ito dahil air-conditioned ang mga silid aralan.
“Amin nang inihanda ang mga lugar kung saan tutuloy ang mga kalahok at hanggang maaari ay gagawin naming komportable at kasiya-siya ang kanilang pananatili. Tiwala po kami na magagawa naming komportable ang kanilang mga tutuluyan dahil sa aming mga air-conditioned na silid-aralan,” pahayag ni Mayor Lani.
“Buong suporta po ang ibinibigay na suporta ng pamahalaang lungsod sa kumperensiyang ito. Amin pong pakikilusin ang mga city department upang matiyak ang kaligtasan at ang tagumpay ng sanlinggong event,” dagdag pa ng alkalde.
Sinabi ni Mayor Lani na magpapatupad ng round-the-clock police visibility sa limang-araw na event, gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga delegado sa opening at closing ceremony.
Itinuturing ang NSCP na pinaka prestihiyosong kompetisyon ng Department of Education na nilalahukan ng mga campus journalist mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at high school sa bansa.
Ang pagsasagawa ng kumperensiyang ito ay alinsunod sa Republic Act No. 7079 na kilala rin sa tawag na Campus Journalism Act of 1991.
Napakalaking tulong ang ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig para maitaas ang kalidad ng sistema ng edukasyon sa lungsod. Noong nakalipas na taon, ang DepEd Taguig and Pateros ang nanguna sa mga school division na kabilang sa DepEd NCR Cluster 1 (Big division) sa 2014 National Achievement Test (NAT).
Ngayong taon, ang bilang ng mga nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa Taguig ay halos umabot ng 20,000. Libre ang pagpapa-aral sa mga public school sa Taguig. Ang mga mag-aaral ay hindi na kailangang gumasta dahil libre ang uniporme, bag, at maging ang mga school supply. Kapag nakatapos ng high school, maaari silang makakuha sa iba’t ibang scholarship na ibinibigay ng pamahalaang lungsod. Maaari rin silang mag-enrol ng walang kailangang bayaran sa Taguig City University na nangunguna sa licensure examination para sa B.S. Criminology at B.S. Education. ###