Taguig students dental health problems, decreasing


13,500 grade 1 pupils to get free fluoride cavity varnish application and sealants

Cases of dental caries, also known as tooth decay, among students have significantly dropped in Taguig public schools for the past year owing to the aggressive approach of the local government to address the problem.

 

According to the data of the Taguig City Health Office, the number of dental caries incidence decreased from 96 percent in 2014 to 88 percent in 2015.

 

Dr. Imelda B. Young, head of the Taguig City Dental Section, said the city government wants to maintain the decline in the number of Taguig students with dental health problems through the launching of a series of free dental services dubbed as ‘Ngipin ay Protektado Para Sa  Batang Taguigeño’

 

The Taguig City Health Office recently launched the fluoride cavity varnish application to all 13,500 Grade 1 students from public schools in Taguig.

 

“This fluoride application is the latest trend and top-of-the-line in oral hygiene to prevent dental problems. Usually, it cost from P3,500 to P5,000 if you avail it from a private clinic,” Dr. Young said.

 

But through the efforts of the city government in accordance with the observance of the Dental Health Month, the fluoride application can be availed for free.

 

Aside from the fluoride application, the City Health Office will also apply pit and fissure sealant to protect teeth from decaying and stop the progression of dental caries.

 

Dr. Young also added that fluoride cavity varnish application and the sealant will make the teeth stronger.

 

Parents of grade 1 pupils expressed elation on the free dental services of the city government.

 

“Sa pamamagitan po nito natutunan ng mga bata especially ng mga parent paano po alagaan ang mga ngipin ng mga bata. Nung nag-aaral pa po ako dito wala po kaming ganitong opportunity na ibinibigay. Ngayon po libre na ito sa mga bata,” said Ellanie Mae Ramos, parent of a Grade 1 student in Tenement Elementary School.

 

Mayor Lani Cayetano said the dental activities will give Taguig students, the chance to have a comprehensive dental health care for free.

 

“I envisioned each one of them to graduate with flying colors. Their oral health is as important as giving immunization to our infants. With healthy teeth, they can focus on their studies. This project will somehow unload our parents for additional expenses. In return please your children to study and finish school,” Mayor Lani said.

 

Mayor Lani noted that her administration is not only capable of giving away free school uniforms, bags, shoes, books and school supplies. The city government is also capable of taking care of their health and wellness.

 

The city government will also provide portable dental chairs to bring the actual dental services to public schools.

 

The event will be facilitated by new dentists hired by the city government. Other students from both public schools in elementary and high school will also enjoy other dental services provided by the city government.

 

Thirteen state-of-the-art dental facilities are also set to be delivered to 13 public schools to support the DIMPLE or Dental Improvement and Medical Program for Local Education of the Department of Education (DepEd).

 

Public school dental clinics will cater to a total of 125,000 enrollees this year for dental checkups. Recommendations for tooth extractions or tooth fillings will also be conducted by the public school dental clinics without any fees collected.  ###

 

 

 

FILIPINO VERSION:

 

13,500 grade 1 pupils bibigyan ng libreng fluoride cavity varnish application at sealant na pampatibay ng ngipin

Dental health ng mga estudyanteng Taguigueño, bumubuti

 

Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga mag-aaral sa Taguig na may problema sa ngipin dahil sa agresibong kampanya ng pamahalaang lokal.

 

Sang ayon sa datos ng Taguig City Health Office, mula 96 percent noong 2014 ay bumaba na ito ng 88 percent noong 2015.

 

Sinabi ni Dr. Imelda B. Young, hepe ng Taguig City Dental Section, na nais ng pamahalaang lungsod na mapanatili ang pagbaba ng bilang ng mga estudyante na may problema sa ngipin sa pamamagitan ng inilunsad na programang “Ngipin Protektado Para sa Batang Taguigueno”.

 

Kabilang sa mga nakahanay na aktibidad sa programang ito ang paglalagay ng cavity varnish sa 13,500 na grade 1 pupil ng pampublikong paaralan ng Taguig.

 

“Ang fluoride application na ito ay ang latest trend at ang top-of-the-line pagdating sa oral hygiene. Ang pangkaraniwang presyo nito sa mga private clinic  ay naglalaro mula P3,500 hanggang P5,000,” pahayag ni Dr. Young.

 

Sinabi ni Dr. Young na sa pamamagitan ng Taguig City Government, ang fluoride application ay libreng ibibigay sa mga bata ngayon selebrasyon ng Dental Health Month.

 

Bukod sa fluoride application, ang City Health Office ay maglalagay din ng libreng sealant sa ngipin na kung tawagin ay pit and fissure sealant na isa ring proteksyon sa pagkabulok ng ngipin.

 

Ang dalawang nabanggit na aplikasyon ay magpapatibay sa mga ngipin ng mga bata.

 

Nagpahayag din ng kasiyahan ang mga magulang ng mga grade 1 pupil sa free dental services na kanilang nakukuha.

 

“Sa pamamagitan po nito natutunan ng mga bata especially ng mga parent kung paano po alagaan ang mga ngipin ng mga bata. Nung nag-aaral pa po ako dito wala po kaming ganitong opportunity na ibinibigay. Ngayon po libre na ito sa mga bata,” sabi ni Ellanie Mae Ramos, magulang ng isang Grade 1 student ng Tenement Elementary School.

 

Sinabi ni Mayor Lani Cayetano na ang mga aktibidad na ito ay magbibigay ng oportunidad sa mga estudyanteng Taguigueño na makakuha ng komprehensibo at libreng dental health care.

 

“Nakikita kong ang bawat isa sa kanila ay magtatapos ng kanilang pag-aaral. Ang kanilang oral health ay kasing halaga ng pagbibigay ng bakuna sa mga sanggol. Kung malusog ang mga ngipin, magagawa ng mga estudyanteng makapag-focus sa kanilang pag-aaral. Isa ring kapakinabangan ng proyekto ay mababawasan nito ang dagdag na gastusin ng mga magulang. Ang kahilingan ko na lamang sa kanila ay tiyakin nilang mag-aaral ang kanilang mga anak at makatatapos ng pag-aaral,” pahayag ni Mayor Lani.

 

Idinagdag pa ni Mayor Lani na ang kanyang administrasyon ay may kakayahan ding magkaloob ng health at wellness bukod sa pamimigay ng school uniforms, bags, sapatos, at mga school supply.

 

Samantala, ang pamahalaang lungsod ay magkakaloob din ng mga portable dental chair bukod pa sa kumuha rin ito ng karagdagang mga dentista para maserbisyuhan ang iba pang mag-aaral sa elementarya at high school.

 

Labintatlong state-of-the-art dental facilities naman ang ipagkakaloob ng pamahalaang lokal ng Taguig sa 13 pampublikong paaralan bilang suporta sa Dental Improvement and Medical Program for Local Education o DIMPLE program ng Department of Education (DepEd).

 

Tinatayang 125,000 na estudyante ang mapaglilingkuran ng mga dental clinics kasama na rito ang libreng dental check-up, bunot, at pasta.###

 


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854