Taguig students guaranteed of hassle-free, live-streamed graduation
Graduation is an exciting event in the lives of students, but at the same time it brings anxiety to parents who worry of the attendant costs. Luckily for parents of public school students of Taguig City, the local government will be providing all the needs of the graduates and completers.
About 13,000 sixth grade students are scheduled to graduate this year, while 8,000 10th grade students are set for completion in Taguig City’s public schools.
Taguig City Mayor Lani Cayetano stated, “We want to assure that these activities will be memorable for the students, also to their beloved parents, that is why we want to make it enjoyable and comfortable for them.”
Mayor Lani said the city will also broadcast live on the Internet the streaming of the graduation rites of every public school in Taguig so their relatives abroad and outside of Taguig can view the event on the web.
“Students and their families can now share their academic milestones with their loved ones outside our city with the advent of the Internet and live streaming,” Mayor Lani said.
The city of Taguig pioneered the e-Graduation in 2012 and has been observing this practice yearly where they live stream all the graduation events in every public school in the city.
Mayor Lani is congratulating the graduates and completers for their achievements in the elementary and secondary schools, saying she is like a proud parent to these children.
She is encouraging high school graduates to continue their education up to the tertiary level. Taguig City offers free college education at its own university and a P625-million scholarship fund which finances students’ education in various institutions including the University of the Philippines, Ateneo de Manila University and De La Salle University. There are eight (8) types of scholarship granting subsidies of P10,000 to P100,000. ###
FILIPINO VERSION
Graduation sa Taguig, Libre Na, May “Live-Streaming” Pa
Ang pagtatapos ay isang masayang kaganapan sa buhay ng bawat mag-aaral. Subalit, sa kabila ng kasiyahan ay ang pangamba ng mga magulang sa malaking gastos na kasabay nito.
Sa kabutihang-palad, sinasagot na ng pamahalaang lokal ng Taguig City ang lahat ng gastusin ng mga magsisipagtapos na mga mag-aaral ng lahat ng pampublikong paaralan ng lungsod.
Tinatayang mayroong 13,000 Grade 6 na mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Taguig ang magsisipagtapos sa taong ito samantalang mayroong 8,000 na Grade 10 na mag-aaral naman ang magsisispagtapos.
“Tinitiyak ko na lahat ng mga aktibidad na ito ay magiging makabuluhan para sa mga mag-aaral at sa kanilang mga magulang. Kaya ninais naming gawing masaya at komportable ito para sa kanila,” sabi ni Mayor Lani Cayetano.
Sinabi rin ni Mayor Lani na may “live broadcast” sa Internet o yung tinatawag na “live streaming” o “e-graduation” ang bawat pagtatapos o graduation sa lahat ng pampublikong paaralan sa Taguig. Nilalayon nito na mapanood ng mga kaanak ng mga magsisipagtapos na mag-aaral ang kanilang graduation maging sila ay nasa ibang bansa man.
“Sa pamamagitan ng Internet at live streaming, maari na ngayong ibahagi ng mga magtatapos na mag-aaral ang kanilang academic milestones sa kanilang mga kaanak na nasa labas ng ating lungsod,” sabi ni Mayor Lani.
Sinimulan ng Taguig ang “e-Graduation” noong taong 2012 sa bawat pampublikong paaralan sa lungsod. Simula noon, ang bawat pagtatapos ay na-ilive stream na sa Internet.
Binabati naman ni Mayor Lani ang lahat ng magsisipagtapos sa taong ito sa mga elementarya at high school. Dagdag pa niya na para na rin syang isang magulang sa mga nagsipagtapos.
Samantala, hinihikayat naman ni Mayor Lani ang mga nagsipagtapos sa high school na ituloy nila ang kanilang pag-aaral hanggang sa kolehiyo.
Tiniyak ni Mayor Lani na ang lungsod ng Taguig ay nagbibigay ng libreng pag-aaral sa kolehiyo sa Taguig City University. Mayroon ding P625-million na pondong pang-iskolar ang lungsod na maaring gamitin ng mga mag-aaral na nagnanais pumasok sa University of the Philippines, Ateneo de Manila University at De La Salle University.
Sa ngayon ay mayroong walong klase ng “scholarships” na binibigay ang pamahalaang lokal ng Taguig na may halaga mula sa P10,000 hanggang sa P100,000. ###