TAGUIG STUDENTS, LANI SCHOLARS PASS UPCAT, NURSING BOARD 2012
Seventy-one students of Taguig City made it in the latest University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) while 23 others, all city scholars, passed the nursing licensure exams of 2012.
Taguig Mayor Lani Cayetano took pride in her scholars’ victory as she challenged them to take this opportunity as a stepping stone towards creating a better future for themselves and their families.
“I congratulate all our students who passed the UPCAT and scholars of the Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program, who passed the licensure exams for nursing. I hope that through the City’s scholarship and other education programs, we can build a better and brighter future for the people of Taguig,” Mayor Lani, who was also a scholar and a working student in her college days, maintained.
All the nursing board passers from Taguig are scholars of the city under the LANI scholarship program.
Of the 71 UPCAT passers, 45 came from the city’s public high schools while 26 came from six private schools, all in Taguig. Among the public high schools, Taguig Science High School obtained the highest number of UPCAT passers at 29.
Mayor Lani likewise congratulated other Taguig residents who made it in the same UPCAT but are graduates of schools outside Taguig.
The Taguig Mayor, who also attended a course in UP in 2009, said UPCAT passers who are bona fide residents of the City, regardless of the schools they graduated from, have been reserved slots in the Premier Scholarship Category of the LANI Scholarship Program.
Premier scholars stand to receive a higher amount of allowance from the City. Scholars under this category currently account for about 3% of the nearly 20,000 LANI Scholars since it was launched in 2011.
Since she assumed office in 2010, Mayor Lani has given top priority to the local education sector. Among others, she increased the budget for the scholarship program from P100 million in 2011 to P200 million in 2012. This year, scholarship budget jacked up to P300 million. In contrast, the previous administration allocated only P5-million for the program..
Her administration has also provided public school students with free ready-to-wear uniforms, shoes, bags, and essential school supplies.
Mayor Lani said guidelines and application forms pertaining to the LANI Scholarship Program may be filed with Lot Estacio at the Scholarship Secretariat at the city hall or may be obtained at the City’s official website:https://www.taguig.gov.ph/.
TAGALOG VERSION:
Pumasa ang 71 estudyante ng Taguig sa prestihiyosong University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) habang 23 LANI Scholar naman ang nakapasa sa nursing licensure examinations ng 2012.
Ipinagmalaki ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang tagumpay na ito ng mga iskolar ng Taguig kasabay ang hamon na samantalahin ang oportunidad na magkaroon ng magandang kinabukasan.
“Malugod kong binabati ang mga estudyante na pumasa sa UPCAT at ang mga LANI Scholar sa nursing board exam. Umaasa akong magkakaroon ng mas magandang bukas para sa mga mamamayan ng Taguig sa pamamagitan ng ating mga scholarship at programang pang-edukasyon,” ani Mayor Lani, na minsang naging iskolar din at working student nang siya ay nasa kolehiyo pa.
Lahat ng pumasa sa nursing board 2012 ay mga iskolar ng Taguig City sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program.
Sa 71 pasado sa UPCAT, 45 ay nanggaling sa public high school habang 26 naman ay nagmula sa anim na pribadong paaralan sa Taguig. Sa lahat ng mga public high school ng Taguig, ang Taguig Science High School ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga pumasa sa UPCAT sa bilang na 29.
Binati rin ni Mayor Lani ang ibang mga residente ng Taguig na pumasa sa UPCAT na galing sa mga pribadong paaralan.
Sinabi ng mayor, na kumuha rin ng kurso sa UP noong 2009, na lahat ng pumasa sa UPCAT na nakatira sa Taguig, kahit na grumadweyt sa ibang eskwelahan, ay may nakalaang slot sa kategoryang Premier Scholarship ng LANI Scholarship Program.
Ang mga Premier scholar ay tumatanggap ng mas mataas na allowance galing sa siyudad. Ang mga iskolar sa kategoryang ito ay umaabot sa tatlong porsiyento ng lahat ng 20,000 scholarships na pinamahagi na simula nang ito’y ilunsad noong 2011.
Simula nang maupo sa pwesto, ay inuna ni Mayor Lani ang sektor ng edukasyon.
Kaakibat nito ang pagbibigay ng prayoridad sa sector ng edukasyon. Kanyang itinaas ang budget para sa scholarship mula P100 million noong 2011 at P200 million noong 2012. Sa taong ito, ang scholarship budget ay itinaas sa P300 million. Malaking diperensiya sa P5 million alokasyon para sa scholarship program ng dating administrasyon.
Bukod dito ay nagkakaloob din ang kanyang administrasyon ng libreng ready-to-wear na uniporme, sapatos, bag at mahahalagang gamit pang-eskwela sa lahat ng mga estudyante ng pampublikong paaralan sa Taguig.
Pinaalalahanan ni Mayor Lani ang lahat na maaaring makuha ang panuntunan (guidelines) at application form ng LANI Scholarship Program kay Bb. Lot Estacio ng Scholarship Secretariat o di kaya ay sa opisyal na website ng Taguig City Government na: http//www.taguig.gov.ph.