Taguig to host TESDA jobs-bridging program
The city government of Taguig will be hosting a unique job fair Tuesday, March 19, under the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) program dubbed as “Hanapbuhay para sa mga TESDA Specialista”—a massive jobs-bridging program for its so-called “Specialistas.”
The event will be graced by TESDA Director General Joel Villanueva, Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Rolinda Baldoz and DOLE-NCR Regional Director Alan Macaracay.
Taguig Mayor Lani Cayetano will be on hand to deliver welcoming remarks for the participants.
According to TESDA, Hanapbuhay para sa mga TESDA Specialista aims to link technical vocational training and actual jobs by providing TESDA graduates or “Specialistas” access to companies that are in need of the type of skills they specialize in.
“Ultimately, the success of the TESDA training programs would be gauged in connecting skills training to jobs,” Villanueva said.
Mayor Cayetano said the job fair is being organized by City’s Public Employment Service Office (PESO) in partnership with DoLE.
Some 45 local companies and five overseas recruitment agencies based mostly in Metro Manila are set to participate in the job fair Tuesday at the Taguig City Hall auditorium from 8 a.m. to 2 p.m.
“TESDA’s program will bring quality employment closer to our constituency, particularly to the people trained under TESDA, by bringing over the companies that are willing to hire them. It will just be a matter of selling themselves to their potential employers” Mayor Lani said.
The Hanapbuhay para sa Tesda Specialista was initially launched at the Quezon City Hall’s covered walk last March 12, followed by a similar event at SM Tunasan, Muntinlupa City last Monday, March 18.
At least 23,500 “Specialistas” are expected to troop to the jobs-bridging events slated in different dates and sites.
The other dates for the TESDA jobs fair are: March 20 at Victoria Mall, Caloocan City; March 21 at SM San Lazaro, Manila; March 22 at Cuneta Astrodome, Pasay City, and March 25 at the Pasig City Sports Center.
The lady mayor has instructed Taguig-PESO to continue to provide employment opportunities to its constituents, particularly through its own job fairs.
“Providing jobs and livelihood to our constituents is a year-round endeavor. In the end, we do not only want to bring employment opportunities closer to Taguigeños; we also want to provide them with quality jobs,” Mayor Cayetano pointed out.
FILIPINO VERSION:
Gaganapin sa lungsod ng Taguig ngayong Martes, Marso 19, ang isang kakaibang job fair sa ilalim ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na tinaguriang “Hanapbuhay para sa mga TESDA Specialista” kung saan ay mailalapit sa kanila ang mga angkop ng trabaho.
Ang job fair ay dadaluhan nina TESDA Director General Joel Villanueva, Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Rolinda Baldoz at DOLE-NCR Regional Director Alan Macaracay.
Si Taguig Mayor Lani Cayetano ang siya namang magbibigay ng welcoming remarks para sa mga lalahok.
Ayon sa TESDA, ang Hanapbuhay para sa mga TESDA Specialista ay naglalayong ikabit ang technical vocational training at mga angkop na trabaho para dito sa pamamagitan ng paglalapit sa mga TESDA graduates o “Specialista” at mga kumpanya na naghahanap ng kanilang angking galing.
“Sa bandang huli ay masusukat lang ang tagumpay ng mga training programs ng TESDA sa pagkabit nito sa mga angkop na trabaho,” wika ni Villanueva.
Sinabi ni Mayor Cayetano na ang job fair ay nabuo sa pagtutulungan ng Taguig-Public Employment Service Office (PESO) at DoLE.
Aabot sa 45 na mga lokal na kumpanya at limang overseas recruitment agencies na naka-base karamihan sa Metro Manila ang sasali sa job fair ngayong Martes sa Taguig City Hall auditorium mula 8 a.m. hanggang 2 p.m.
“Sa pamamagitan ng pagdalala ng mga kumpanyang ito sa ating lungsod ay tiyak na magkakaroon ng mas magandang hanapbuhay ang mga Taguigeno, particular ang mga nagsanay sa ilalim ng TESDA. Nasa sa kanila na iyon kung paano nila ibebenta ang kanilang mga sarili sa mga potensiyal na employer,” sabi ni Mayor Lani.
Unang inilunsad ang Hanapbuhay para sa Tesda Specialista sa Quezon City Hall covered walk noong Marso 12, na siyang sinundan naman ng katulad na job fair sa SM Muntinlupa City nitong Lunes, Marso 18.
Inaasahang 23,500 na mga “specialista” ang darating sa mga “jobs-bridging events” na ito sa mga iba’t ibang lugar at petsa.
Ang iba pang schedule ng TESDA jobs fair ay ang mga sumusunod: Marso 20 sa Victoria Mall, Caloocan City; Marso 21 sa SM San Lazaro, Manila; Marso 22 sa Cuneta Astrodome, Pasay City, at Marso 25 sa Pasig City Sports Center.
Samantala, inatasan ng punong-lungsod ang Taguig-PESO na ipagpatuloy ang mandato nito na magbigay ng mas maraming oportunidad-pangkabuhayan, lalo na sa mga job fair nito.
“Walang katigilan ang pagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan. Sa bandang huli ay hindi lang natin gustong magkaroon ng pagkakataong makapaghanapbuhay ang mga Taguigeno; gusto rin nating maging de-kalidad and mga trabaho nila,” pagdidiin ni Mayor Cayetano.