Taguig to provide security, medical aid in city’s 8 cemeteries on Nov. 1
2013 Oplan Undas launched
The local government of Taguig will be providing round-the-clock security, medical services and traffic assistance for those who will be observing All Saints Day in all of the city’s eight cemeteries this coming November 1.
The city government recently launched the 2013 Oplan Undas, which primarily mapped out the security arrangements during the annual holiday where thousands are expected to troop to cemeteries to visit their departed ones.
“We are expecting a lot of people to honor their deceased relatives so we want to make this commemoration and tradition as comfortable as it can be for them,” Mayor Lani Cayetano said.
“With the collaborative effort of several offices within the local government and the Taguig City police, preparations are underway to ensure that no untoward incident occurs come Undas,”
According to the Center for Social Welfare and Development (CSWD) Special Projects Head Ronnie Audije, they will be securing eight cemeteries all-over the city.
These are:
- Bagumbayan Cemetery
- Hagonoy Cemetery
- Tuktukan Cemetery
- Ligid Catholic Cemetery
- Aglipay Cemetery
- Libingan ng mga Bayani
- Garden of Memories
- Maharlika Cemetery
Audije added that helpdesks and first-aid tents will be strategically placed in all of the cemeteries in order to address any concern or respond to any medical emergencies.
He also said the local government of Taguig has ensured that all areas in all of the cemeteries and all streets leading to them are well-lit.
The Public Order and Safety Office (POSO) and the Taguig-PNP will be deploying a total of 868 personnel to the cemeteries starting October 31 to secure the areas.
Members of the Traffic Management Office (TMO) will also be present to manage the traffic of vehicles expected to congest the roads near cemeteries.
Mayor Lani warned citizens from bringing liquor and deadly weapons to cemeteries come Nov. 1.
“These are strictly prohibited. I encourage everyone to abide by the law. Any violation would be dealt with accordingly,” she said. ###
FILIPINO VERSION:
2013 Oplan Undas sa Taguig, inilunsad
Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang seguridad ng mga taong dadagsa sa walong sementeryo sa lungsod upang gunitain ang Undas sa ika-1 ng Nobyembre.
Inilunsad kamakailan ng lokal na pamahalaan ang 2013 Oplan Undas bilang paghahanda sa seguridad at kaayusan para sa taunang selebrasyong ito, kung saan libu-libong tao ang inaasahang tutungo sa mga sementeryo upang bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
“Inaasahan namin na maraming tao ang magbibigay pugay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, kung kaya nais naming gawing komportable ang tradisyon na ito hangga’t maari para sa kanila,’ ani Mayor Lani Cayetano.
“Sa pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan sa Taguig, isinasagawa na ang mga paghahanda para maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente sa pagdating ng Undas.”
Ayon kay Center for Social Welfare and Development (CSWD) Special Projects Head Ronnie Audije, sinisiguro ang seguridad sa walong sementeryo sa lungsod sa ika-1 ng Nobyembre.
Ito ay ang:
- Bagumbayan Cemetery
- Hagonoy Cemetery
- Tuktukan Cemetery
- Ligid Catholic Cemetery
- Aglipay Cemetery
- Libingan ng mga Bayani
- Garden of Memories
- Maharlika Cemetery
Dagdag pa ni Audije, magkakaroon din ng mga helpdesks at first-aid tents sa piling lugar sa bawat sementeryo upang tugunan ang mga biglaang medikal na pangangailangan at anu pa mang alalahanin.
Siniguro din aniya ng lokal na pamahalaan na maliwanag ang lahat ng lugar sa mga sementeryo at ang mga daanan papunta sa mga ito.
Ang Public Order and Safety Office (POSO) at ang Taguig-PNP ay magpapakalat ng kabuuang 868 katao sa mga sementeryo simula ika-31 ng Oktubre para sa seguridad sa lugar.
Patuloy rin ang serbisyo ng mga myembro ng Traffic Management Office (TMO) upang mangasiwa sa inaasahang traffic sa mga kalsadang malapit sa sementeryo.
Binalaan ni Mayor Lani ang mga mamamayan na wag magdadala ng alak at mga armas sa sementeryo ngayong undas.
“Mahigpit na ipinagbabawal ang mga ito. Hinihimok ko ang lahat na sumunod sa batas sapagkat anumang paglabag ay bibigyan ng naaayon na parusa,” ani Mayor Lani. ###