Taguig Under State of Calamity
Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Taguig.
Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon upang mapadali ang pagbibigay ng tulong ng lungsod sa mga nasalanta ng malakas na pag-ulan at pagbaha noong nanalasa ang Habagat sa ilang barangay ng Taguig.
Pinapurihan ni Mayor Lani Cayetano ang hakbang ng Sangguniang Panlungsod at sinabing makakatulong ito sa pagbangon ng mga Taguigeno mula sa masamamng epekto ng kalamidad sa kanilang ari-arian at kabuhayan.
Magugunitang mahigit 3,000 pamilya o 14,000 na indibidwal ang inilikas ng pamahalaang lokal sa 35 na evacuation centers kung saan sila ay inalagaan at tinulungan noong kasagsagan ng Habagat.
Bago dito, nagpamahagi ang Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani at Cong. Lino Cayetano, ng relief goods sa mga apektado ng kalamidad. ###