Taguig university among PRC’s top 10 nationwide
Taguig City University (TCU) has been cited by the Professional Regulations Commission (PRC) as among the 10 top performing schools in the country.
In the Licensure Examination Results for Teachers released October 27, the PRC reported that TCU garnered 80 percent passing rate which landed the university in the top nine among schools and universities nationwide.
Out of its 50 examinees from TCU, 40 students passed the exam and are now qualified to teach in high school.
The University of the Philippines-Diliman topped the licensure exam with a 93.06% passing rate, followed by the University of Santo Tomas and the Philippine Normal University- Agusan with 89.33% and 88.66%, respectively.
A total of 77,803 individuals nationwide took the aforementioned licensure exam given by the Board of Professional teachers.
Mayor Lani Cayetano congratulated the newly passed teachers from the city-run TCU, as well as its faculty members.
“This achievement of our graduates establishes a good reputation for TCU especially in the eyes of aspiring educators. This will encourage more future teachers to choose TCU,” she maintained.
Scholars to professionals
Meanwhile, Taguig Policy and Scholarship Office Chief Boots P. Esden revealed that 44 other review scholars of the Lifeline Assistance for Neighbors-In Need (LANI) Scholarship program also passed the examination, wherein 28 students have been LANI Scholars since college.
“These new licensed teachers who will soon be joining the teaching force, is another testament that the city’s investment in education and scholarship is bearing great fruits,” said Esden.
The LANI Scholarship program has steadily risen from P100 million in 2011 to P400 million this year. For next year, this program is set to get P500 million.
Just recently, 42 out of 45 LANI scholars passed the Mechanical Engineering licensure exam and achieved a passing rate of 95 percent, while 20 scholars are now licensed Electronics Engineers after passing their licensure examination last September.
Also, during the Certified Public Accountant Licensure Examination, 20 out 37 LANI Scholars passed.
“The city government believes that education is a worthy investment. It is one of the keys to solving poverty. Coupled with the wise use of funds, Taguig City is able to produce professionals who can help their respective families rise from poverty,” Mayor Lani pointed out. ###
FILIPINO VERSION:
Taguig City University (TCU ) pasok sa ‘Top 10 Performing Schools’ sa bansa, ayon sa PRC
Kinilala ng Professional Regulations Commission (PRC) ang Taguig City University (TCU) bilang isa sa ’10 top performing schools’ sa bansa ngayon.
Sa resulta ng licensure examination para sa mga guro na inilabas noong Oktubre 27, iniulat ng PRC na nakakuha ang TCU ng 80 percent passing rate kung kaya natalaga ito bilang ‘top nine’ sa hanay ng mga eskwelahan at unibersidad sa buong bansa.
Mula sa 50 examinees mula sa TCU, 40 ang pumasa sa board exam at ngayo’y kwalipikado na para magturo sa high school.
Ang University of the Philippines-Diliman ang siyang nanguna sa licensure exam na may 93.06% passing rate, sumunod ang University of Santo Tomas (89.33%) at Philippine Normal University- Agusan (88.66%).
Umabot sa 77,803 ang kumuha ng nasabing licensure exam na ibinigay ng Board of Professional Teachers.
Nagpaabot ng pagbati si Mayor Lani Cayetano sa bagong pasang mga guro na nagsipagtapos sa TCU, na pinamamahalaan ng pamahalaang lungsod ng Taguig gayundin sa faculty members nito.
“Ang tagumpay po na nakamit ng ating mga graduate ay nagbigay ng magandang reputasyon sa TCU lalo na sa mga nagnanais na maging guro. Ito’y makapaghihikayat din sa mga nagnanais na pumasok sa naturang propesyon na piliin ang TCU,” ayon pa kay Mayor Lani.
‘Scholars’ na naging ‘professionals’
Samantala, inihayag ni Taguig Policy and Scholarship Office Chief Boots P. Esden na 44 na iba pa na pinagkalooban ng review scholars sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors-In Need (LANI) Scholarship program ang pumasa rin sa licensure examination kung saan 28 sa mga ito ay LANI Scholars sapul mag kolehiyo.
“Ang mga bagong licensed teacher na magiging bahagi ng ating ‘teaching force’ ay patunay na ang ipinuhunan ng lungsod sa edukasyon at scholarship ay nagbubunga ngayon nang mabuti,” sabi ni Esden.
Patuloy sa pagtaas ang pondo ng LANI Scholarship program na nagsimula sa P100 milyon sa unang pagpapatupad nito noong 2011 at nasa P400 milyon ngayong taon. Sa susunod na taon, ang programa ay popondohan ng lungsod ng kalahating bilyung piso.
Kamakailan lamang, 42 sa 45 LANI scholars ang pumasa sa Mechanical Engineering licensure exam at na may passing rate na 95 percent, habang 20 scholars ang ngayo’y licensed Electronics Engineers na rin matapos pumasa sa kanilang licensure examination noong September.
Gayundin sa nakaraang Certified Public Accountant Licensure Examination, 20 mula sa 37 LANI Scholars ang nakapasa.
“Ang atin pong pamahalaang lungsod ay naniniwala na ang edukasyon ay nararapat na puhunanan. Isa ito sa susi sa paglutas ng kahirapan. Kasabay nang tamang paggamit ng pondo, ang Taguig City ay nagawa pong magkaroon ng mga propesyunal na makatutulong sa pag-angat ng katayuan sa buhay ng kani-kanilang pamilya,” giit ni Mayor Lani. ###