Taguig upgrades burial assistance program
The death of a loved one brings emotional pain to those left behind. For the underprivileged members of our society, the emotional pain is aggravated by the practical problem of getting the wherewithal for the wake and burial expenses.
In the backdrop of this reality, Taguig City has been providing burial assistance in the amount of P2,000.00 to its indigent constituents since 2005. To keep up with the inevitable rise in inflation, the City last year adjusted the burial assistance to P20,000.00. The program is available to families of indigent persons who have been Taguig residents for at least five (5) years prior to their death.
Jenny Forte, a resident of Brgy. Upper Bicutan who recently lost her father, is one of the beneficiaries of this program.
“Malaking tulong po ito lalo na po sa pambayad namin sa punerarya katulad po noong namatay ang kapatid ko. Makatutulong po talaga ito lalo na sa mga pamilyang kapos sa pera gaya namin,” Forte said.
The P20,000.00 cash assistance is primarily spent for expenses of the wake, including funeral services. The beneficiaries may use any excess for other burial-related costs.
Since its increase, thousands of poor Taguigeños have benefitted from the burial assistance.
The City Social Welfare Development Office (CSWDO) administers the burial assistance program. Myrna Gilbuena, a staff at the CSWDO, mentioned that aside from the cash assistance, Taguig City also offers to its poor residents non-monetary and logistical support such as free use of chairs and tables.
In line with this, World War II (WWII) veterans and their spouses, including those listed as widows of WWII veterans are also beneficiaries of the burial assistance of the city government where they are entitled to P20,000.00 burial assistance, from the previous P10,000.00. ###
FILIPINO VERSION
Tulong sa burial, itinaas ng Taguig City
ITINAAS na sa P20,000 simula ng nakaraang taon ang dating P2,000 tulong pinansyal na ipinagkakaloob ng pamahalaan ng Taguig City para sa pagpapalibing sa yumaong mahihirap na residente ng lungsod.
Nagsimula ang burial assistance program noon pang 2005 para sa mga residente ng Taguig na nanirahan sa lungsod limang taon bago ang kanilang pagyao.
Layunin nitong maibsan ang mapait na kalungkutan ng mga naulilang kamag-anak na lalong pinatindi ng gastos sa pagburol at pagpalibing sa yumao.
Ang pagyao ng maibsan ang isang minamahal ay tunay na nag-iiwan ng mapait na kalungkutan sa mga kaanak na naulila. Subalit para sa mga mahihirap nating kababayan, ang pait ng pagkaulila ay mas lalo pang pinag-igting ng gastos na kaakibat ng pagburol at pagpapalibing.
Si Jenny Forte, residente ng Barangay Upper Bicutan ay isa sa mga pinagkalooban ng benepisyo ng lungsod matapos ang kamatayan kamakailan ng kanyang ama.
“Malaking tulong po ito lalo na po sa pambayad namin sa punerarya katulad po noong namatay ang kapatid ko. Makatutulong po talaga ito lalo na sa mga pamilyang kapos sa pera gaya namin,” saad ni Forte.
Ang salaping P20,000 na tulong mula sa Taguig City ay inilalaan para sa mga gastusin sa pagbuburol at pagpapalibing ng yumao. Ang labis sa halagang ipinagkaloob ay maari namang gamitin sa mga iba pang gastusin na kasama sa pagpapalibing.
Simula nang magkaroon ng karagdagan sa ipinagkakaloob na tulong ng Taguig City, libo-libong mahihirap na Taguigeños ang nabiyayaan na sa programa ng pamahalaang panlungsod.
Ang programang ito ng Taguig City ay pinangangasiwaan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO). Ayon kay Myrna Gilbuena, isang kawani sa CSWDO, maliban sa tulong pinansyal, ang Taguig City ay nagkakaloob din ng di-pinansyal na tulong sa mga naulila na maaring gamitin sa burol gaya ng mga libreng silya at lamesa.
Kaugnay nito, nilinaw din ng Taguig City na ang mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War Two) at ang kanilang mga asawa, kabilang na ang mga naitala bilang mga balo ng mga beterano, ay maari ring pagkalooban ng tulong sa pagpapalibing ng pamahalaang lungsod ng Taguig. Ang mga beterano at ang kanilang mga asawa ay tatanggap na ngayon ng halagang P20,000 bilang tulong sa pagpapalibing mula sa dating halaga na P10,000. ###