Taguigeños rally behind Pacquiao
Thousands of Taguigenos are expected to unite once again to throw their support for our country’s pride Manny Pacquiao, who is set to face the greatest challenge in his boxing career on May 3 (Manila time) at the MGM Grand in Las Vegas, Nevada.
This development came after the city government of Taguig announced it will once again offer free public viewing of the Pacquiao-Mayweather bout via commercial-free telecast on the big screen in support of the Filipino boxing icon.
Mayor Lani Cayetano announced that the city government will host this free live showing of the bout in various locations in the city in order to give Taguig constituents the chance to watch the fight without commercial interruptions.
Viewing Venues
Venues for the free viewing are EM’s Signal Village Elementary School, Bagong Lipunan Condominium at Western Bicutan, Bagong Tanyag Covered Court Phase 1, Maharlika Elementary School, Pinagsama Phase 2 Covered Court, Taguig City University auditorium, Cayetano Sports Complex, Tipas Elementary School, Hagonoy Gym and at Ususan Covered Court.
Seating arrangement for viewers will be on a first-come-first-served basis. The city hall will also provide snacks for participating viewers at the venues.
“There is no doubt that Taguigenos are eager to watch this much-awaited fight of our fellow countryman Manny Pacquiao who will face against Floyd Mayweather inside the ring. And we want to give with Taguigenos a chance to witness what could be a historical fight,” Mayor Lani said.
Showing of the free live telecast of Pacquiao fights has become Taguig’s tradition to unite the local residents in support of our fellow Filipino. This is also a symbol of patriotism and pride for our Philippine flag that will be raised inside the ring on the day of Pacquiao’s fight.
“The time has come again for our one and only ‘Pacman’ to climb up the ring and defend the country’s pride and bring honor to our nation,” Mayo Lani said.
The Taguig mayor said the free live viewing in the city is also an opportunity for our fellow Taguigenos to showcase their all-out support to the Filipino pound-for-pound boxer.
“We wish Manny all the best for this fight. Just seeing the Philippine flag flying across the ring is already a win for all the Filipinos who will be watching the fight,” Mayor Lani said. ###
FILIPINO VERSION:
Mga Taguigeño buo ang suporta kay Pacquiao
Libo-libong mga Taguigeño ang inaasahang magsasama-sama at magkakaisa para magbigay ng suporta sa ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao, na nakatakdang humarap sa pinaka-mabigat na hamon sa kanyang trono bilang pound-for-pound king sa May 3 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito ay matapos i-anunsyo ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang libreng live telecast ng labang Pacquiao at Floyd Mayweather sa darating na Linggo sa mga nakatalagang mga lugar sa Taguig.
Ani Mayor Lani Cayetano na ang lungsod ng Taguig ay mangunguna sa paghahatid sa tao ng libreng palabas na walang commercial break sa wide screen sa mga piling lugar sa buong lungsod.
Mga takdang lugar
Ang mga tatayuan ng wide screen para sa libreng palabas ng Pacquiao-Mayweather fight ay ang EM’s Signal Village Elementary School, Bagong Lipunan Condominium sa Western Bicutan, Bagong Tanyag Covered Court Phase 1, Maharlika Elementary School, Pinagsama Phase 2 Covered Court, Taguig City University auditorium, Cayetano Sports Complex, Tipas Elementary School, Hagonoy Gym at sa Ususan Covered Court.
Inaanyayahan ang lahat na magtungo ng maaga sa mga lugar ng pagpapalabasan ng laban dahil ang mga upuan ay first-come-first-served basis lamang. Ang city hall naman ay nakatakdang magbigay ng libreng “pika-pika” para sa lahat ng manonood ng laban ng ating kababayang si Pacquiao.
“Walang duda na ang mga Taguigeño ay sabik na sabik na makita ang ating ‘Pacman’ na umakyat muli sa ring at harapin sa unang pagkakataon si Mayweather na isa sa mga gustong makitang laban ng buong mundo. Gusto natin na masaksihan mismo ng mga Taguigeño ang tinaguriang pinakamagandang laban sa larangan ng boksing,” ayon pa kay Mayor Lani.
Ang pagpapalabas ng mga laban ni Pacquiao sa lungsod ay naging kaugalian na sa Taguig, laluna’t naging simbulo ito ng pagkakaisa ng mga tao sa pagbigay suporta sa ating kababayang si Pacquiao.
Isa rin itong simbulo ng pagbibigay pugay sa ating watawat na palaging winawagayway sa loob ng ring sa tuwing lumalaban ang Pambansang Kamao sa ibang bansa.
“Ito rin ang ating pagkakataon na makita muli si Pacquiao na ipaglaban ang ating bandila at bigyang dangal ang bansang Pilipinas,” wika pa ni Mayor Lani.
Ayon pa sa punong lungsod, ang libreng palabas na ito ay isang paraan ng mga Taguigeño na ipakita ang kanilang solidong suporta sa ating watawat at kay Pacquiao.
“Ibinibigay natin kay Manny ang ating dalangin para sa labang ito. Makita lamang natin ang pambansang watawat na iwinawagayway habang kinakanta ang ating pambansang awit sa ibang bansa ay panalo na rin para sa buong bayan,” saad pa ni Mayor Lani. ###