Taguig’s flood control program reaps benefits; clearing ops, infra projects help barangays avoid flooding


Flood-prone Taguig is not as flooded anymore.

 

Despite persistent heavy rains in recent days, Solid Waste Management Office (SWMO) head Eugene Bilaw noted that barangays in the city were not as flooded. The situation is a departure from the one in the city before Taguig City Mayor Lani Cayetano assumed office in 2010, when almost all the barangays would become submerged in floodwater every time there was a heavy downpour.

 

“I am all-smiles, together with the people at SWMO,” said  Mayor Lani. “The flooding had been a persistent problem, and one that hurt the productivity of Taguigeños. I thank them for not losing their hope and focus.”

 

Bilaw attributed the drastic change to the various strategies implemented under the city’s flood-control program, which sees the efforts of the SWMO, City Engineering Office, Lake and River Management Office, City Environment & Natural Resources Office and City Health Office directed toward the same goal.

 

These strategies implemented include the use of heavy equipment for debris clearing operations, and for the desilting and dredging of waterways so that floodwaters may pass through them freely.

 

According to Bilaw, 200 personnel resumed clearing operations in the city’s 28 barangays on June 16. Workers likewise undertook manual clearing operations of drainages and creeks for the purpose of declogging.

 

As of July 21, city personnel were able to cover 10,780 meters of waterways in District 1 and 7,710 meters of waterways in District 2.

 

Apart from the maintenance of the streets under the flood-control program, Bilaw said it also helped that the SWMO holds monthly meetings with the Barangay Solid Waste Management Committee. His office also promotes the importance of proper garbage segregation through the Information Education Campaign (IEC) program in various public schools.

 

SWMO also installed trash traps in different barangays traversed by the Hagonoy, MRB and Magsaysay Creeks to prevent garbage from flowing into the main rivers.  Bilaw said these garbage traps help them in maintaining the cleanliness of the creeks and clearing them of trash.

 

Aside from this, the City Engineering Office has also improved and rehabilitated drainages and continues other infrastructure projects to make these drainages accommodate increased water volume during heavy rains.

 

“We don’t want severe floods to inundate the city that’s why we took initiatives to avoid them,” Bilaw said.

 

He also noted that his office plans to conduct manual clearing operations yearly, instead of every two years, and continue with the dissemination of information on best solid waste management practices.

 

“Our aim is to maintain the cleanliness of the waterways,” Bilaw said, noting that with this, they are also helping prevent the spread of diseases such as dengue and leptospirosis. ###

 

 

FILIPINO VERSION

 

Programang kontra baha ng Taguig naging kapakipakinabang; clearing ops, proyektong infra malaking tulong sa pag-iwas sa baha

 

Hindi na maituturing na flood-prone area ang syudad ng Taguig kumpara noon na tuwing dumarating ang malakas na ulan ay agad na nalulubog ang mga kalye.

 

Ayon sa pinuno ng Solid Waste Management Office (SWMO) na si Eugene Bilaw, sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan nitong mga nakaraang linggo ay hindi na gaanong nilubog sa tubig baha ang mga barangay kagaya ng dati.

 

Ito ay maikukumpara sa panahon bago naupo bilang alkalde ng Taguig si Mayor Lani Cayetano noong 2010 kung saan halos lahat ng mga barangay ay nalulubog sa tubig baha kada buhos ng malakas na ulan.

 

“Masaya ako dahil sa mga nagdaang taon ay naisakatuparan natin, kasama ang mga tauhan ng SWMO, ang mga inisyatibo na burahin ang problema sa baha sa ating lansangan,” ayon kay Mayor Lani.

 

Ang mga proyektong ipinatupad ni Mayor Lani upang maiwasan ang paglubog ng kalye sa tubig baha ay nakapaloob sa flood-control program ng lokal na pamahalaan kung saan nagsama-sama ang mga tauhan ng SWMO, City Engineering Office, Lake and River Management Office, City Environment & Natural Resources Office at City Health Office upang tugunan at solusyunan ang matagal nang problema sa pagbaha.

 

Kasama sa programa ang pag-gamit ng heavy equipment upang limasin ang mga basura at linisin ang mga estero sa kanilang mga clearing operation, at pati na rin sa pag-alis ng mga burak at bara sa mga dinaraanan ng mga tubig sa kanal at imburnal.

 

Ayon kay Bilaw, 200 tauhan ang nagpatupad ng clearing operations sa 28 barangays simula noong June 16. Mano-mano ring inalis ng mga manggagawa ang mga nakabara sa mga drainage at creek upang maging maayos ang daloy ng tubig ulan patungong ilog.

 

Sa mga clearing operation hanggang July 21, ang mga tauhan ay nakapag-linis ng mahigit 10,780 metrong haba ng daluyan ng tubig sa District 1 at 7,710 metrong haba ng daluyan naman sa District 2.

 

Regular ding nagsasagawa ang SWMO ng pagpupulong kasama ang Barangay Solid Waste Management Committee upang patuloy na tugunan ang problema sa basura at baradong daluyan ng tubig at sa maayos na segregation ng basura sa tulong ng Information Education Campaign (IEC) program sa mga eskwelahan.

 

 

Nagkabit din ang SWMO ng mga trash trap sa mga barangay na sumasakop sa daanan ng creek sa Hagonoy, MRB at Magsaysay upang maiwasan ang pagbara ng basura. Regular din nila itong nililinis upang hindi dumami ang nakabara.

 

Kasama rin ang City Engineering Office sa pagsasagawa ng mga sira o depektibong daluyan ng tubig at sa pagpapalawak ng ibang daluyan upang maging maayos ang daraanan ng tubig ulan sa oras na bumuhos ang malakas na ulan.

 

“Hindi natin kagustuhan na malubog sa baha ang ating mga lansangan sa syudad kaya naman po patuloy tayong nagtatrabaho upang maging epektibo ang ating flood-control program,” saad ni Bilaw.

 

Plano rin ng opisina ni Bilaw na gawing taunan ang mano-manong paglilinis sa ilalim ng clearing operations sa halip na kada dalawang taon.

 

“Layunin natin ang malinis na kapaligiran lalo na sa ating mga daluyan ng tubig. Ito ay nakakatulong din na makaiwas tayo sa pagkalat ng mga sakit kagaya ng dengue at leptospirosis dulot ng maduming lugar,” ayon pa kay Bilaw. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854