Taguig’s malnutrition prevalence rate continues to decline, tops in NCR


Protection and intervention

As Taguig City aims for the National Nutrition Council’s top award – the Nutrition Honor Award — the city further improved on its malnutrition prevalence rate for year 2016.

 

According to the Taguig City Nutrition Office, the malnutrition prevalence rate in Taguig dropped to 0.45 percent in 2016 from 0.54 percent in 2015. There was a marked decrease in 2016’s total number of 563 malnutrition cases among 0-5 years old compared to the 1,035 malnourished children in 2015.

 

For the last two consecutive years (2015-2016), Taguig City has recorded the lowest malnutrition prevalence rate among the 17 local government units (LGUs) in the National Capital Region (NCR). This achievement has been the result of extensive and innovative programs in the city.

 

Julie Bernabe, officer-in-charge of the Taguig City Nutrition Office, explained that 43 barangay nutrition scholars are dispatched to all the 28 barangays in Taguig for a wider and more effective advocacy campaign among the residents of its intervention programs. “Our local government has seven interventions against malnutrition which we conduct yearly with the help of various departments in the city,” she added.

 

These interventions include supplementary feeding schemes provided to thin and stunted pregnant women, young children ages 6-72 months old, and underweight school children Grades 1 and 2; and a massive administering of vitamin and mineral supplements like Vitamin A and Iron to prevent and cure micronutrient deficiencies.

 

In addition, the city also adopts desirable practices which ensure nutritional well-being such as the “Ten Kumainments” guidelines and other nutrition-related messages, provision of livelihood assistance to poor and malnourished households, and the delivery of maternal and child health and nutrition package services.

 

The local government has already started their annual nutrition interventions by conducting “Oplan Timbang” (OPT) in which the height and weight of children 0-5 years old in each barangay are collated in order to determine the child’s nutritional status (either as  severely underweight, underweight, normal, or overweight). Oplan Timbang is conducted from January to March. Once the data are collected, the same are analyzed to determine the proper intervention depending on the child’s nutritional status.

 

Michelle M. Adiong, a 37-year-old mother of five, expressed her gratitude to the local government stating that with the help of these interventions there was a distinct increase in the weight of her two undernourished children who are now considered healthy. “Nakatulong po nang malaki ang pagkain na ibinibigay sa amin sa health centers kagaya ng nutrilabs at micronutrients powder. Sinanay din po kami sa mga livelihood programs at tinuruan sa Parenting Education System kung saan natuto kami ng tamang pagpapalaki at mga karapatan ng mga bata,” Mrs. Adiong added.

 

Taguig City was awarded the prestigious Green Banner award by the National Nutrition Council-National Capital Region (NNC-NCR) for three (3) consecutive years [2013 to 2015]. In December 2016, the city received the CROWN award for this consistent high performance in the campaign to eliminate malnutrition. ###

 

FILIPINO VERSION

 

Taguig patuloy ang pagbaba ng malnutrition prevalence rate, nangunguna sa NCR

 

Sa pagnanais na makamit ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng National Nutrition Council – ang Nutrition Honor Award — mas naibaba pa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang malnutrition prevalence rate ngayong 2016 dahil sa pinahusay pang mga programa.

 

 

Sa datos ng Taguig City Nutrition Office, bumaba ang malnutrition prevalence rate ng Taguig sa 0.45 porsyento noong 2016 mula sa 0.54 noong 2015. Sa katunayan, naitala lamang ang 563 na kaso ng malnutrisyon sa mga batang 0-5 na taong gulang ngayong taon kumpara sa 1,035 na bilang ng kaso noong 2015.

 

Ang Taguig din ang may pinakamababang malnutrition prevalence rate sa buong National Capital Region (NCR) sa dalawang magkasunod na taon (2015-2016).

 

Ipinaliwanag ni Julie Bernabe, ang officer-in-charge ng Taguig City Nutrition Office na mayroong pitong interbensyon na ginagawa ang lokal na pamahalaan para labanan ang malnutrisyon na sa tulong ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lokal ay nagagawa nilang maipalaganap. Kaugnay nito, mayroong 43 barangay nutrition scholar na siyang nagpapakalat ng mga impormasyon para labanan ang malnutrisyon sa 28 barangay sa Taguig.

 

Kasama sa mga nasabing interbensyon ang supplementary feeding para sa mga buntis na kulang sa nutrisyon, gayundin sa mga batang  6-72 buwan na gulang, mga mag-aaral ng Grade 1 at 2 na kulang sa timbang;  at malawakang pamimigay ng bitamina at mineral supplements kagaya ng Vitamin A at Iron para makaiwas at matugunan ang micronutrient deficiencies.

 

Maliban dito, ipinatutupad din nila Ang “Ten Kumainments” at ipinauunawa ang iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa nutrisyon. Ginagawa rin ang pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan sa mga mahihirap at naghahatid sa mga bahay-bahay ng mga health at nutrition package para sa mga buntis at bata.

 

Inumpisahan na ng lokal na pamahalaan ang taunang interbensyon laban sa malnutrisyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Oplan Timbang” kung saan sinusukat ang taas at timbang ng mga batang edad 0-5 sa bawat barangay. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung sinu-sino ang severely underweight, underweight, normal, o overweight. Ginagawa ang Oplan Timbang mula Enero hanggang Marso at kapag nakuha na ang mga kailangang datos ay isinusunod naman ang pagbusisi upang malaman kung ano ang tamang interbensyon na dapat ibigay sa bata alinsunod sa kanyang nutritional status.

Ipinaabot ni Michelle M. Adiong, 37-year-old at ina ng limang bata, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lokal na pamahalaan dahil sa tulong na kanilang natanggap. Dahil sa programa ay tumaas ang timbang at lumusog ang dalawa niyang anak na dati ay undernourished, “Nakatulong po nang malaki ang pagkaing  ibinibigay sa amin sa health centers kagaya ng nutrilabs at micronutrients powder. Sinanay din po kami sa mga livelihood program at tinuruan ng Parenting Education System kung saan natuto kami ng tamang paraan ng  pagpapalaki sa mga bata at ang kahalagahan na kaalaman  tungkol sa mga karapatan ng  bata,” dagdag pa nito.

 

Ginawaran ng prestihiyosong Green Banner Award ang Taguig ng National Nutrition Council-National Capital Region (NNC-NCR) sa loob ng tatlong magkakasunod na taon [2013 – 2015]. Noong Disyembre 2016 ay ginawaran naman ng CROWN award ang lungsod para sa tuloy-tuloy na aktibong pagkampanya upang matuldukan ang malnutrisyon. ###

2017-01-25-Taguig’s malnutrition prevalence rate continues to decline, tops in NCR


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854