Taguig’s pet vaccination at the comfort of residents’ homes


 

Tired of carrying your 10-kilogram pet from your house in Taguig to the nearest vet for vaccination? Well, fret no more. The vet is coming to you.

 

In celebration of the Rabies Awareness Month, doctors from the Taguig City Veterinary Office are making house-to-house visits all throughout the city in a bid to vaccinate pets and make life easier for their owners. Launched in 2014, the house-to-house visits are conducted in all 28 barangays of the city.

 

According to Dr. Alexis Siblag, head of the office, the Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) was launched this March after a recent census found that dog population alone is pegged at 57,000. “In rabies control, you need to vaccinate 70 percent of the total population to eradicate rabies,” Dr. Siblag added.

 

With TCARD, Siblag said a pet owner could have as many pets vaccinated in his home. On the first day of their house-to-house visits, more than 1,500 dogs and cats were vaccinated in one barangay alone.

 

So far, they have gone to four (4) barangays. Around 834 cats and dogs were vaccinated in Brgy. Bagumbayan, while additional 400 pets were vaccinated after extending another day in Brgy. New Lower Bicutan. “An average of 900 animals are vaccinated a day in one barangay,” Dr. Siblag added. They intend to finish the remaining 24 barangays within the month.

 

During their visits, vaccinators are accompanied by an enumerator and a barangay health worker who do a census. The names of  residents and the pets are listed. The vaccinator then completes the injection. “After the injection, the barangay health worker issues a vaccination card… So we comb through the streets, different barangays,” he said.

 

Besides  the free vaccinations and issuance of vaccination cards,  pet owners are  given leaflets containing information on animal rabies. Dr. Siblag  said they are also planning to distribute tags for the domesticated animals soon.

 

Dr. Siblag said a human could be afflicted with rabies through the bite of an infected mammal. Ninety eight (98) percent of human transmissions, however, are caused by dogs.

 

Taguig City Health Office currently has two Animal Bite Treatment Center (ABTC) in Brgy. Ibayo-Tipas and Brgy. North Signal which are open to provide Taguigeños bitten by rabies-exposed animals with free treatment and vaccination.

 

Rabies exposure is classified into three (3) categories : the first category  involves touching, feeding, licking of healthy skin with no mucous membrane contact, casual contact with rabid patient; the second category involves  superficial scratch/abrasion on the person without bleeding, nibbling/ nipping of uncovered skin with bruising; and the category involves a single or multiple transdermal bites/scratches, licking of mucous membrane, all head and neck exposures, exposure to rabid patient, handling of infected carcass, and licks of broken skin.

 

All are subject to different levels of treatment provided for free in the two existing animal bite centers. ####

 

 

FILIPINO VERSION

 

Mga Alagang Hayop sa Taguig, Sa Bahay na Babakunahan Laban sa Rabies

 

Pagod ka na bang kargahin ang mabigat mong alagang hayop mula sa iyong bahay sa Taguig patungo sa pinakamalapit na beteneraryo para mabukanahan? Wag nang mag-alala at ang beteneraryo na ang pupunta sa bahay ninyo.

 

Kaugnay sa paggunita ng Rabies Awareness Month, ang mga beterenaryo mula sa Taguig City Veterinary Office ay magsasagawa ng pagbisita sa mga kabahayan sa lungsod upang bakunahan ang mga alagang hayop.

 

Sinumulan noong taong 2014, ang pagbibisita at pagbabakuna sa mga alagang hayop laban sa rabies ay naisasagawa na sa lahat ng 28 na barangay ng lungsod.

 

Ayon kay Dr. Alexis Siblag, pinuno ng Taguig City Veterinary Office, inilunsad din noon nakaraang Marso ang Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) matapos malaman sa isang census na mayroong 57,000 na aso sa lungsod.

 

 

“Sa pagkontrol sa rabies, kailangan mong bakunahan ang 70 porsyento ng kabuuang populasyon para maialis ang rabies,” saad ni Dr. Siblang.

 

 

Ayon kay Siblang, sa pamamagitan ng TCARD, maaring ipabakuna laban sa rabies ang lahat ng alagang hayop sa isang bahay. Sa unang araw na isinagawa ang pagbisita sa mga bahay, lagpas sa

 

1,500 na aso at pusa ang nabakunahan sa isang barangay lamang.

 

 

Sa ngayon, apat na barangay na ang nakinabang sa proyekto. May 834 na pusa at aso ang nabakunahan laban sa rabies sa Brgy. Bagumbayan samantalang may karagdagang 400 na alagang hayop namab ang nabakunahan sa Brgy. New Lower Bicutan.

 

 

“Tinatayang 900 na alagang hayop ang nababakunahan sa isang barangay kada araw,” sabi ni Siblang. Sa loob ng isang buwan ay mababakunahan din ang lahat ng alagang hayop sa natitirang 24 barangays, dagdag ni Siblang.

 

 

Sa kanilang pagbisita, ang mga beterenaryo ay sinasamahan ng isang taga tala at isang barangay health worker na nagsasagawa naman ng census. Sa census, inililista ang pangalan ng mga residente at kung ano ang kanilang alagang hayop.

 

 

“Matapos ang iniksyon, nagbibigay ang barangay health worker ng vaccination card. Sinusuyod namin ang lahat ng kalye sa ibat-ibang barangay,” sabi ni Siblang.

 

 

Dagdag sa libreng bakuna at vaccination cards, ang mga may-ari ng hayop ay binibigyan din ng pulyetos ukol sa rabies. Ayon kay Siblang, balak din nilang lagyan ng “tags” ang lahat ng alagang hayop sa Taguig.

 

 

Ayon kay Siblang, ang isang tao ay maaring mahawaan ng rabies kapag sya ay nakagat ng isang may sakit na hayop. Syamnapu’t-walong porsyento ng mga kaso ng pagkakahawa sa rabies ay mula sa kagat ng aso.

 

 

Sa ngayon, ang Taguig City Health Office ay mayroong Animal Bite Treatment Centers (ABTC) sa Brgy. Ibayo-Tipas at Brgy. North Signal. Ang dalawang ABTC ay handang gamutin ng libre ang lahat ng taga-Taguig na nakagat ng isang hayop na may rabies.

 

 

Ang pagkahawa sa rabies ay may tatlong kategorya: una ay mula sa paghawak sa balat ng isang hayop na may rabies; pangalawa ay kung nakalmot ng hayop na may rabies, at pangatlo, kung nadilaan ng hayop ang ulo o leeg ng tao at kung nahawakan ang bangkay ng hayop na namatay sa rabies.

 

 

Sinumang nahawaan ng rabies ay gagamutin ng libre sa dalawang nabanggit na animal bite centers ayon sa pamahalaang panglungsod ng Taguig . ####


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854